Napaluhod ako sa semento at muling bumuhos ang mga luha ko. Ramdam ko ang sakit na pisikal ngunit mas masakit ang dibdib ko. Sa sobrang sakit halos hindi na ako makahinga ng maayos habang pinagmamasdan ang sementadong sahig gamit ang nanlalabong mga mata. Kumuyom ang mga kamao ko at umiyak ng umiyak. Hindi na inalintana ang paligid kahit na dinig na dinig ko na ang mga estudyante sa ibaba.
Nanghihina akong napayuko sa aking mga braso at saka do'n humagulgol na parang bata.
Bakit? Bakit ko 'to kailangangang maranasan? Anong nagawa ko para danasin ko ang lahat ng 'to? Bakit ko kailangan kong masaktan ng ganito?
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak pero ramdam ko ang hapdi at pamumugto ng mga mata ko. Hindi pa nga ako nagugulat na hindi bumaha ng luha dito sa dami ng iniyak ko. Marahan akong tumingala mula sa pagkakayuko at tinignan ang madilim nang paligid. Wala na ang kaninang ingay. Napakatahimik na at napakalamig na. Humiga ako at tumihaya pero may nasagi ang kamay ko sa kaliwa. Kinapa ko 'yon at nang iangat ay nakita ko ang pamilyar na libro. Tinignan ko lang 'yon saglit bago ko tamad na itinapon. Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Nagkilislapan ang mga bituin sa langit na para bang sinasabing ayos lang ang lahat. Na magpasalamat ka na lang na buhay ka pa rin hanggang ngayon. Na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo ay nakaligtas ka pa rin.
Pero hindi. Iniligtas lang ako. Ako na sobrang makasarili ay iniligtas lang. Siguro para sa iba, iniisip nilang fictional lang naman 'yon at hindi mahalaga ang buhay no'n pero para sa akin hindi. Totoo sya. Totoo syang nag exist sa buhay ko. At kahit pa nilikha lang sya ni Ysabella ay naramdaman ko ang pagiging totoo nya. Kahit na sandali lang...
Napangiti ako ng mapait habang inaalala ang seryosong mukha ni Treyton na nakasimangot sa akin. Pumikit ako at dahil na rin siguro sa sobrang panghihina at pagod ay tuluyan na akong naigupo ng antok.
Huni ng mga ibon, ingay ng mga estudyante, at mga sasakayan ang naulinigan ko kinabukasan. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang init ng sikat ng araw na tumatama sa aking balat pero hindi muna ako nagmulat. Pinakiramdaman ko ang paligid. Gusto ko mang bumangon ay para na akong nawalan ng lakas. Kahit yata magkape ako ay hindi na rin tatalab dahil wala na ang sagot sa tanong na para kanino ako bumabangon?
"Shea!"
Narinig kong pabalyang nabuksan ang pintuang bakal at sunod sunod na mabibigat na yabag ang paparating sa kinaroroonan ko. Gusto kong umasang si Treyton ang tumatawag sa akin pero nang makalapit ito ay ibang boses ang narinig ko.
"Shea!" boses ni Reed.
Hindi ako nagmulat. Iniligay nya ako sa kanyang kandungan at tinapik tapik ang mukha ko. Pinisil pa nya ang bibig ko kaya bahagya 'yong umawang. Hindi pa rin ako nagmulat at nagpanggap na tulog.
"Shit! Shea!" Mabilis nya akong ipinangko sa kanyang bisig at tumakbo paalis.
Halos mahilo ako sa mabibilis na pagbaba nya ng hagdan hanggang sa naulinigan ko na ang mga boses ng iba pang estudyante.
"Oh my God! Anong nangyari?!"
"Uy si Shea yon 'di ba?"
"God! Ba't gano'n hitsura nya? Anong nangyari sa kanya?"
"Hala si Shea!"
"Ano kayang nangyari? Kahapon pa sya hinahanap ah?"
Kumunot ang noo ko sa iba't ibang komento ng mga estudyanteng nadadaanan namin.
Bakit? Ano bang hitsura ko? Nakakadiri ba? Psh.
"Tabi! Excuse me lang!" boses ni Reed.
"Anong nangyari bro?"
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...