"Shea, darling! Halika na. Ma-le-late na tayo!" Katok ni Mama La sa kwarto ko.
"Sandali lang po Mama La! Mauna na po kayo sa baba," sigaw ko pabalik habang nagsasapatos.
Halos magkumahog ako sa paglalagay ng sandals ko. Late na kasi ako nagising dahil sa sobrang excitement ko sa graduation. Akala mo with highest honor e. Psh.
Nagmadali kong kinuha ang sumbrero ng toga ko at saka tinignan ang kabuuan sa salamin. Napangiti ako nang makita kung gaano kabagay sa akin ang maroon at yellow na kulay ng toga namin. Hindi ako makapaniwalang gagraduate na ako! Nagbunga na rin sa wakas ang panununog ko ng kilay ng halos anim na taon. Ay wow. Feeler.
"Darling!" sigaw ni Mama La sa labas.
"Nandyan na po!" sigaw ko at saka mabilis na lumabas.
"Oh darling! You look so great!" Napapalakpak si Mama La nang makita ako."Let's go. We're gonna be late." Hinila na nya ako palabas.
Exactly 5:30 p.m nang makarating kami sa eskwelahan. Syempre grand entrance ang lola ko dahil Mayora. Ako naman mabilis na nahanap ang designated seat ko. Alphabetically arranged ang mga upuan namin pero ang gagang Jaelyn ay nagawa pang makipag exchange seat para lang makipagdaldalan sa akin.
"Taray... bagay sa 'yo ah. Parang with highest honor ng impyerno." Humalakhak ang gaga matapos hagudin ng tingin ang suot ko.
"At ikaw ang Principal." Sarkastiko akong ngumisi sa kanya kaya tatawa tawang hinampas nya ako.
Mabilis na nag umpisa ang ceremony dahil sa dami ng graduating students. Nasa halos isang libo yata. Ina-announce agad ang may mga academic awards at syempre bumida na naman si Noam na nakakuha ng with highest honor sa section namin sa STEM.
"Grabe bilib din ako dyan sa jowa ni Anthea. Consistent," bulong bulong ni Jaelyn habang pumapalakpak.
Predicted na 'yon since first day. Genius talaga 'yon. Kahit yata nagsi-cr e nag aaral.
"Bakit sila na ba?" takang tanong ko.
"Hindi. Mang asar lang ba."
Sumimangot ako sa kanya.
"Wow... taray naman. Akalain mong 'yung dating walang dala dala maski ballpen e nakakuha ng silver." Komento na naman nya matapos mabigyan ng with high honor award si Reed.
Actually hindi na ako nagulat do'n. Tumino tino na kasi 'yon matapos kong i-friend zoned. Hindi ko akalaing matalino rin pala sya. Tamad lang.
Naparangalan din kami ng with honors award kaso ang timang na Jaelyn tinawanan lang 'yon.
"Grabe chocolate," natatawang sambit nya habang pinagmamasdan ang medal.
"Psh. Magpasalamat ka na lang at meron." Ismid ko.
Special awards ang sumunod na ini-announce. Nakakuha pareho ng Leadership award sina Noam at Reed. Nakuha ni Noam ang Best in work immersion, Best in research at Best innovation para sa STEM at outstanding sa School affairs awards, Journalism at Social apostolate. Si Reed naman ang nakakuha ng Outstanding achievement in Mathematics, Most active participation in Sports para sa basketball at isa ring outstanding sa School affairs. Bukod do'n naka silver pa sya sa Performing Arts Office award of merit.
"Taray ng lolo mo, hakot awards!" Tumawa si Jaelyn matapos akong sikuhin.
Napangiti naman ako ng marahan. Ang laki na talaga ng pinagbago nya at proud ako sa mga achievement nya.
Gabi na nang ipalipad namin sa ere ang mga sumbrero namin senyales na tapos na ang ceremony at idineklarang graduate na kami.
"Yehey!"
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...