Kabanata 12

43 10 4
                                    

Hawak ang magkabilang strap ng backpack marahan ang bawat hakbang ko patungo sa classroom. Pinapakiramdam ko ang bawat pasilyong nadadaanan ko. Wala namang kakaiba. Tahimik at normal lang naman. May mangilan ngilang estudyante pa ring tumitingin sa akin. At kapag ginagawa nila yon nagbubulungan sila. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa isang normal na lakad. Mukhang prank lang yong nangyari kahapon. Baka narealize ng babaitang yon na hindi nya ako kaya kaya umatras na sya. Mabuti naman. Wala naman akong balak na patulan sya. Loser lang ang pumapatol sa kapwa loser-

"Ah!" napahinto ako sa pagtapik ng kung sino sa akin sa likod.

"Good morning." ngumisi ang isang lalaki at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napakunot ang noo ko.

Sino yon?

Kung maka-good morning akala mo close kami e hindi ko naman kilala. Alam kong may mga ganoon ngang instances. Yung magbabatian kayo kahit di magkakilala. Pero nangyayari lang kasi yon kung type mo yung tao or something-

Natutop ko ang bibig.

Hindi kaya type ako ni Kuya?

Ipinagkibit balikat ko yon at nagpatuloy ako sa paglalakad. Iba talaga ang ganda ko. Andaming narereach.

Paliko na ako sa isang pasilyo nang may tumadyak sa pwet ko.

"Aray!"

Napahawak ako don at marahas na bumaling sa likod. Nakangisi ang dalawang lalaki at isang babae sa akin.

"Pucha bakit nyo ginawa yon?!" gigil na tanong ko.

"Because you asked for it." nagkibit balikat ang lalaki na sya yatang salarin.

Hibang akong tumawa.

"Ano kamo? Gago ka ba?! Bakit ko naman hihilingin yon?!" asik ko.

Tangina ang sakit. Potek talaga.

"Because that's what's written in your back." ngumisi sya.

Mabilis kong kinapa ang likod ko at doon nakapa ko ang isang papel. Nagtiim bagang ako at marahas na hinablot yon.

KICK ME IN THE ASS PLS!

Iyon ang nakasulat. Lalong nagtagis ang ngipin ko nang maalala ang lalaking tumapik kanina sa likuran ko. Ang demonyong yon! Gigil na nilukot ko ang papel at ibinato sa sahig. Tinignan ko sila ng masama bago ako umalis.

Lang hiya nagkamali ako. Nagkamali ako ng isiping umatras na ang putanginang babaeng yon. At hindi lang pala yon ang hinanda nyang pang almusal ko dahil napahinto na naman ako ng buhusan ako ng mga basurang papel mula sa likod! Marahas akong bumaling sa likod ngunit nagtatatakbo na ang mga animal. Nagtawanan ang mga estudyante sa paligid. Marahas kong inalis ang tila confetti sa ulo ko at saka nagmartsa paalis.

Mga hayop talaga. Akala ba nila matatakot nila ako sa papapel papel lang?

Binuksan ko ang locker ko para sana kunin ang libro ko pero mabahong basura ang lumabas mula ron. Mga pinagkainan at pinagbalatan ng kung ano ano. Softdrinks, chichirya, bulok na saging, mga nalukot na papel at kung ano ano pa. Nag igting na naman ang panga ko.

"Tangina lang."

Padabog kong sinarado yon at umalis. Hindi ko na rin kasi magagamit ang libro na nagunting gunting na. Alam kong malalagot ako sa guro pero hindi ko naman kasalanan.

Wala akong nagawa nang sabunin na naman ako ni Ms.Pridewood dahil sa libro. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari pero hindi sya naniwala. Malamang daw ay tamad lang ako magdala. Totoo naman yon pero naisip ko rin kasing subukang mag aral, nga lang napaka wrong timing naman talaga. Hinayaan ko na lang syang magputak tutal ay bida bida sya e.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon