Maingay. Magulo. Makalat. Iyan ang classroom namin. Ang pinakamababang section ng Grade 11 sa North shore High school--ang section K. The eleventh and last section. At dito ako nabibilang. Mainly because late enrollee ako kaya dito ako napunta. Hindi dahil bobo ako. Hindi dahil pasaway ako. Oh wait scratch that, sige medyo pasaway ako. Aaminin kong hindi naman ako matalino pero maaral din ako. Nag aaral ako kapag trip ko. Maybe at least thrice a week? Oo thrice a week pwede na 'yon. Mostly I spend my time in reading kasi. Mas gusto kong magbasa ng mga romantic novels kesa sa mga academic books. Halos 'yung mga libro ko nga sa bahay ay bago pa kaya 'di na ako mamomroblema kapag isasauli. Halos lamunin na nga ng lamesa 'yon dahil 'di na nagalaw.
Hindi ko masasabing hindi ko gusto ang klase ko. Actually mas gusto ko kesa noong nasa medyo higher section pa ako. Mas hype ang mga kaklase ko ngayon kaya madali akong nagkaroon ng mga tropa. Hindi gaya sa higher section na parang araw araw biyernes santo sa klase nila. Napakaseseryoso sa klase at mga tipid magsalita. Dito sa amin chill lang. Ni hindi kami namomroblema kahit malapit na ang exam o may quiz. Tamang hula hula hoop lang p'wede na. Pagalingan na lang sa pagiging Madam Auring.
And back to what I was doing. Nakakulimbat na naman ako sa library kanina ng isang libro. Katatapos ko lang magbasa kagabi ng mga naipuslit ko at heto na naman ako. Panibagong libro, panibagong asawa. Hihi
Ang gwapo talaga ng naiimagine kong leading man sa nobelang 'to. Matangkad, tamang built ng katawan, maganda ang hazel eyes, matangos ang ilong, pangahan at syempre mabango-
"Aray! Putangina sino 'yon?!" Napatayo ako at hinimas ang ulo ko nang tamaan ng matigas na bagay.
Isang can ng soda ang kumalansing sa sahig. Matalim akong bumaling sa likod. Nagturuan ang mga lalaki na ngumunguya ng bubble gum.
"Hoy, bawal magmura sabi ni Mam. Mga putangina niyo. Ililista ko kayo," sabi ng red haired boy at class president na si Rufus habang naglalaro ng bola sa dingding.
Hindi ko nga alam kung bakit naging class president 'yan e. Bukod kasi sa sarili niya, ballpen lang ang dala.
"Shut up, Sakuragi!" sigaw ko.
Nagtawanan ang klase kaya muli akong bumaling sa likod.
"Sino nga mga animal kayo!" gigi na sigaw ko.
Ang sakit kasi ng pagkakasapul ng ulo ko. Bwiset.
Sa huli ay itinuro nila si Reed. Ang treasurer at pinakamatangkad sa kanila. Mas malupit ito dahil ni takip ng ballpen ay hindi nito dala. Tamang hiram at hingi lang amputa.
"Oh bakit ako?" reklamo niya.
Prente itong nakaupo, taas ang isang paa sa desk na parang hari. Hari naman talaga siya dahil halos alalay niya lahat ng kaklase naming lalaki. Hari siya. Hari ng kagaguhan. Palibhasa sanay na sanay sa pakikipag basag ulo at numero unong bully.
"Reed!" nagtitimping sigaw ko.
Pinaputok niya ang bubble gum sa bibig at nginuya nguya uli 'yon. Para namang tanga ang mga kasama niya na gumagaya sa kanya.
"Hindi ako bumato sa'yo. Si Flint. 'Di ba Flint?" Baling niya sa mataba at matangkad na lalaking nakapo sa may table na katabi niya.
Nahinto sa pagnguya ang lalaki at poker face na tumingin sa kanya. Binigyan siya ng makuha ka sa tingin look ni Reed kaya napahimas siya sa kanyang batok.
"Ah oo. Ako nga."
Umusok ang ilong ko.
"Flint!" Tumakbo ako at binigyan sya ng isang sapak sa ilong.
Napaupo siya sa sahig at ngumuwa na parang damulag.
"Huwag kang uto uto!" Gigil ko siyang sinabunutan. "At ikaw naman feeling hari. Huwag kang bully!" Baling ko kay Reed sabay sipa sa paa niyang nakatungtong sa desk.
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasíaShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...