"Reed?"
Hindi ako makapaniwala. Si Reed ang nakikita ko ngayon. Si Reed nga ang nasa harap ko ngayon!
Walong taon. Walong taon na ang lumipas pero walang nagbago sa mukha niya. Tingin ko nga mas lalo pa siyang gumwapo dahil umiksi ng kaunti ang buhok niya at nawala na ang mga earrings niya. Mas nagkalaman na rin siya ngayon at mas lalo pang tumangkad. Mukha siyang modelo sa suot niyang itim na blazer coat na may white inner T-shirt, fitted trousers at Oxford shoes. Samahan pa ng itim na relo sa kaliwang kamay.
"Shea?" Tumaas ang dalawang kilay niya.
Napakurap kurap ako at muntik ko pang mabitawan ang nilalahad na paper bags. Napansin niya 'yon kaya agad niyang kinuha sa akin at tinignan ulit ako.
Napalunok naman ako at napanganga na naman. Hindi talaga ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Para akong nanaginip. Pasimple kong kinurot ang braso ko pero nasaktan ako. Tinignan niya 'yon saglit at tinignan ulit ako.
"Are you okay?" takang tanong niya na iwinagayway pa ang palad sa mukha ko.
"H-Ha?" Kumurap kurap ulit ako at awkward na tumawa."A-Ah oo. I-Ikaw pala 'yan." Utal utal na sambit ko at hinagilap ang dala kong paper bags.
Shit! Bakit ganito 'yung kaba ko? Nahihiya ako na kinakabahan!
Lumabi ako at di malaman kung anong gagawin o sasabihin. Lumikot na ang mga mata ko at parang gusto ko na lang tumakbo.
"Sure kang okay ka lang? Pinagpapawisan ka." Puna niya.
Napatingin ako sa kanya. Puno pa rin ng pagrataka ang hitsura niya.
"Ah o-oo." Pinunasan ko ang pawis sa sentido ko."N-Nagulat lang ako na nakita kita dito. Kumusta?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko para itago ang kaba at hiya.
Parang nakahinga naman siya ng maluwag at tumingin sa paligid."Mabuti naman." Muli siyang bumaling sa akin."Kumusta ka?"
"M-Mabuti naman... din." Namamanghang tinitigan ko siya.
Tumango siya at tumingin sa relo.
"Uuwi ka na?" Lakas loob na tanong ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin."Oo. Ikaw?"
"Ah... oo. Uuwi na rin," alanganing sagot ko.
Katahimikan ang namayani sa amin. Panay ang tingin niya sa paligid samantalang napako naman ang titig ko sa kanya. Bahagyang ipinagtaka ko ang ikinilos niyang 'yon dahil dati rati naman kapag nag uusap kami ay nakatingin lang siya sa akin. Ngayon parang... ayaw niya na akong tignan.
"Sige. Una na ako. Mag ingat ka," aniya at akmang aalis nang tawagin ko siya.
Napahinto siya at lumingon sa akin.
"Gusto mo magkape?"
Pumunta kami sa Starbucks at mabilis na nag order. Sampung minuto na mula no'ng dumating ang order namin pero wala pa ni isa sa amin ang nagsasalita. Nakatitig siya sa kape niya at ako naman mukhang tangang nakatitig sa kanya. Namamangha at nangingiti na ewan. Hindi rin mapakali ang mga daliri ko na nakawak sa baso.
Napansin ko na habang tumatagal lalo yatang umu-awkward ang hangin sa pagitan namin dahil ang tahimik niya. Medyo naninibago ako. Bakit naman kaya siya biglang naging tahimik? May nagbago na ba sa kanya?
Humigop ako sa kape at bahagyang nag isip ng pwedeng mapag usapan since ako naman ang nag invite.
"Uh... pupunta ka ba sa reunion?"
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...