Kabanata 28

30 4 0
                                    

"Oh? Nakita mo sila?" tanong ni Isabella nang makabalik ako.

Hindi ko sya pinansin at tila zombie lang akong naglakad palapit sa table.

"Bakit ganyan ang hitsura mo?" takang tanong nya na inayos pa ang salamin upang tignan ako ng mabuti.

Kahit hindi nya sabihin aware ako sa hitsura ko ngayon. Mugto ang mata, makalat na make up, magulo ang buhok at hinang hina. In short, para akong adik na nakasinghot ng isang kilong shabu.

"Shea," muli nyang pagtawag at saka mabilis na lumapit.

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at matamang tumingin sa akin.

"Ayos ka lang? Bakit ganyan ka? Anong nangyari sa 'yo?"

"Pwede bang saksakin mo na lang ako?" mahina at tulalang sambit ko sa kawalan.

Nangunot ang noo nya."Ano bang sinasabi mo? Anong nangyari?"

Napatawa ako na parang timang. Shuta. Ganto pala ma-heart broken. Kinginang 'yan. Sana sinaksak na lang nya ako.

"Shea! Ano ba nangyayari?!" Niyugyog nya ako.

Napatawa ako. "Wala na akong boyfriend."

Dahan dahang napakalas ang mga kamay nya sa balikat ko.

"Ang galing 'no? Kanina lang pinagmamalaki ko sya tapos ngayon... poof! bigla na lang naglaho." Humalakhak ako kahit sumisilip na naman ang mga luha ko.

"Wala na kayo?" mahinang tanong nya.

"Wala naman talagang kami e," natatawang saad ko at tumitig sa lupa."Imahinasyon ko lang ang lahat. Sa kakaimagine ko, nasaktan ako. E di sana kahit yung sakit imagination na lang din para fair 'di ba? Putanginang yan. Ang daya. Lecheng buhay."

Bumuntonghininga sya at tumitig din sa lupa.

"Ginamit?" Tumawa ako."Nice. Ang galeng. Napakagaleng." Tumatango tango ako.

Kinabig ako ni Isabella para mayakap. Sa simpleng ginawa nyang 'yon, bumuhos ang ga-baldeng luhang naipon sa mga mata ko.

Pakyu ka sagad Treyton. Fuck this life.!

"Young ladies and gentlemen, the dancefloor is now again ready for another hot dance craze! Grab your friends now and let's all heat the dancefloor!" Umalingawngaw sa buong eskwelahan ang boses ng DJ na lalaki.

Napakalas kami ni Isabella sa isa't isa nang maghiyawan ang mga estudyante at nag uunahan sa pagpunta sa gitna upang sumayaw. Naupo na lang ako at tumitig sa mga sumasayaw, ganoon din si Isabella na paminsan minsang tumitingin sa akin.

Bumuntonghininga ako at pinalis ang huling luhang lumandas sa pisngi ko. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansin kong wala pa rin sina Akiko rito o sa kahit saang mesa.

"Hindi mo ba napansin yung mga kaklase ko?" tanong ko kay Isabella.

Umiling sya sa akin."Hindi ko pa sila nakikita mula no'ng umalis ka."

Kumunot ang noo ko. Saan kaya naman nagsuot ang mga yon? Kanina pa sila wala ah.

Hindi kaya...

Nakatinginan kami ni Isabella.

"May nangyari kaya sa kanila?" aniya.

Matagal kaming nagtitigan hanggang sa makarinig ng sunod sunod na pagputok ng fireworks sa kalangitan.

"Shit!"

Napatayo kaming dalawa.

"Fireworks Shea!" kabadong sambit ni Isabella habang nakatingala.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon