Kabanata 7

53 10 5
                                    

No. Way. In. Hell. Nagkakamali lang ako. Baka nananaginip lang ako. Oo tama. Baka panaginip lang talaga 'to.

Paanong mapupunta ako sa libro di ba?

That's insane! Hello? May magic ba sa taong 2021? Sinong baliw naman ang magsasabing meron? Hindi. Hindi totoo lahat ng 'to. NANANAGINIP LANG AKO!

Paulit ulit kong kinumbinsi ang sarili ko bago ako nagdesisyong matulog. Baka sakaling paggising ko, nasa school na uli ako. Baka natulugan ko lang ang pagbabasa. Ganon naman kasi ako minsan, yung mga binabasa kong libro ay napapanaginipan ko. Madalas mga ganto rin yon e. Mga imposible at weird na panaginip. Bumuntong hininga ako at nahiga na sa kama. Sa kapaguran siguro ay tuluyan na rin akong naigupo ng antok.

°°°

"Siya na ba 'yon?

"Ang weird lang ng suot nya no? Ba't ganyan ang pantalon nya? Ang sikip."

"Baduy."

"Baka bagong pauso nya."

Mahinang halakhakan ang naulinigan ko. Boses yata yon ng mga babae.

Teka, baka mga kaklase ko 'to?

Tumagilid ako at mas lalong niyakap ang unan.

Kung kaklase ko 'tong mga 'to bakit nandito sila sa mansyon namin? Makikimeryenda na naman ba sila?

"Manang Belen." pikit matang pagtawag ko sa kasambahay namin.

"Sinong tinatawag nya?"

"Manang Belen daw."

"Manang Belen!" mas malakas na pagtawag ko.

"Nananaginip ba sya?"

"Baka nga."

"Manang Belen ano ba!" sigaw ko na at napadilat.

Ang pagdilat ng mga mata ko ay mas lalo pang namilog nang tumambad sa akin ang apat na babaeng nakatayo malapit sa akin. Pawang mga unipormado ng puting dress shirt na napapatungan ng navy blue na coat at may neck tie. Khaki colored pleated mini skirt naman sa pang ibaba at itim na school shoes na may hanggang tuhod na medyas na itim rin.

"Sino kayo? Bakit kayo nandito sa kwarto ko?" nagugulat na tanong ko.

Nagkatinginan naman sila.

"Kwarto mo?" tanong ng isang babae na may side bangs.

Inilibot ko ang paningin at ganoon na lang ang paninigas ko nang matantong nasa kwarto pa rin ako kung saan ako natulog! Shit. Ibig sabihin hindi ako nananaginip!

"Putang....ina." nanghihinang sambit ko.

"Ikaw 'yong bagong estudyante di ba?" ngumiti ang isang babaeng petite at may short hair, parang si Jaelyn.

"Ha? Ah..o-oo."

Tinignan ko ang bintana. Madilim na pala sa labas. Napahilot ako sa sentido. Kung hindi ito panaginip, ano 'to bangungot?

"Anong pangalan mo?" dagdag na tanong nya.

"Shea." tamad na sabi ko nang sulyapan sya.

Base sa pagkakatanda ko sa character description niya sya si Akiko Albizia.

"Akiko ang pangalan ko. Ako ang kasama mo dito sa kwarto." tipid syang ngumiti.

Hindi ako nagsalita. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin matanggap o magsink in man lang sa akin na nasa loob nga ako ng libro. Grabe namang plot twist ito ng buhay ko. Napakaimposible naman kasi.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon