Tumingin ako sa salamin matapos kong maghilamos. Nang hindi makuntento ay naghilamos ulit ako. At naghilamos ulit. At naghilamos ulit hanggang sa mabura ang mukha ko!
Ugh! Nakakainis kasi ang Treyton na yon!
Padabog kong pinatay ang faucet at tiningan ang repleksyon ko sa salamin. Nagngingitngit ako sa galit nang maalala ang napag usapan namin kagabi.
"Are you really hiding your special ability? Or you really don't have one?"
Napakurap kurap ako sa tanong nya. Paano nya nalaman ang tungkol don?
"So it's true. Nagpapanggap ka lang." kalmado ngunit nakakatakot ang tinig nya.
Lalo na iyong tingin nya. Yung tipong anumang oras ay pwede ka nyang sakalin at ihulog na lang ang bangkay mo mula sa rooftop para palabasing suicide.
"I'm not that kind of a person but if my hunch is right, you'll probably gonna see yourself into it."
"A-Ano?!" napaatras ako.
"So, Am I right? You're just pretending. Anong motibo mo?" nanliit ang mga mata nya sa akin.
"A-Ano bang pinagsasabi mo?! Anong pretending ka dyan." iniwasan ko ang titig nya.
Bahagya rin akong umatras para kung sakali mang totohanin nya yung sinabi nya ay makatakbo pa ako. Tsk. As if matatakbuhan ko naman ang isang ito. Hindi naman sya iko-consider na most dangerous among them ng ganon ganon lang.
"Then tell me what's your ability." humakbang sya ng isa, napaatras naman ako.
Pasimple akong tumingin sa paligid. Wala nang katao tao. I'm sure nasa dorm na ang lahat. Kung magsisisigaw ako dito-
"That won't work. I have already killed you before you could scream."
Takte. Ano ngang laban ko e iniisip ko pa lang nakaplano na sya.
Napalunok na ako at pinagpapawisan ng shet na malagket.
"Tell me your special ability then I'm gonna spare you."
Napaatras ako nang humakbang uli sya ng isa.
"Ah ano kasi e."
Humakbang uli sya ng isa pa at ng isa pa. Patuloy sya sa paghakbang kaya patuloy din ako sa pag atras.
"May ability ako pero hindi ko pa nadidiscover."
Nagcross fingers ako sa likod. Sana kagatin nya.
Huminto sya at malamig na tumingin sa akin.
"You're lying."
"Ha? Hindi ah!"
"Thoughts don't lie."
Napapikit ako. Nakalimutan ko na naman na nababasa nya ang laman ng isip ko!
"Wala ka naman talagang ability. So why are you here? Are you a spy?" marahan nyang inalis ang mga kamay sa bulsa at saka humalukipkip.
"Spy?" ulit ko.
Pinanliitan nya ako ng mata.
"Umamin ka na habang maaga pa. Hindi mo magugustuhan ang igagawad sa iyong parusa kapag nalaman nila ang ginagawa mo."
Ilang segundo pa akong natulala bago pagak na natawa.
"Ako spy?" turo ko sa sarili."Are you out of your mind? Hindi ko sasayangin ang ganda ko para lang maging spy no! That's cheap! FYI. Future business woman ako and I'm the only heiress of my grandma's businesses."
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...