"STOP!"
Nagulat kaming lahat sa biglaan nyang pagsigaw. Mabilis nyang kinain ang distansya namin at hinawakan ang pulso ko. At sa isang iglap nasa rooftop na kami!
"What do you think you're doing?" mariing sambit nya habang mabilis akong pinapaatras.
Napadaing na lang ako nang tumama ang likod ko sa pasimano.
"T-Treyton ano ba?!" namimilog na mga matang sambit ko.
Problema neto?
Salubong na salubong ang mga kilay nya at paulit ulit na nag iigting ang panga.
"Anong pumasok sa utak mo at sumayaw ka ng ganoon? Who allowed you to dance like that huh?"
"W-What?! E ano naman kung sumayaw ako ng ganon? Hindi naman bawal sumayaw ah!" asik ko.
Humigpit ang pagkakahawak nya sa pulso ko at mas lalo pa nya akong dinikdik sa pader.
"Hindi nga. Pero ayos lang sa'yo na sumayaw sa harapan pa mismo ng mga lalaking yon?" turo nya sa gilid.
Nagsalubong ang mga kilay ko. E ano naman kung sumayaw ako sa harapan nila? Alangan namang sa banyo lang ako sumayaw? e di nagmukha na akong eng eng.
Lalong dumilim ang mukha nyang nakadungaw sa 'kin. At hindi ko maintindihan kung anong kinakagagalit nya don.
"Ano bang masama sa pagsayaw sa harapan nila? Normal lang naman yon. Entertainment nga di ba?"
Kumuyom lalo ang panga nya. Seryoso? Ano bang problema nito?
"Bakit? Sabihin mo nga Treyton, may mali ba sa pagsayaw ko?" hamon ko.
Paulit ulit na kumukuyom ang panga nya habang mariing nakadungaw sa akin. Napalunok sya at itinapon sa kawalan ang tingin. Humihigpit din ang hawak nya sa pulso ko.
Bakit ba nagagalit sya? Wala naman akong ginagawang masama ah. Ah mukhang alam ko na.
"Huy Treyton, umamin ka nga. Nagandahan at nasexy-han ka ba sa pagsayaw ko kanina kaya ka nagkakaganyan?" lihim akong napangisi.
Baka yun ang dahilan. Naalala ko kasi ang sabi nya sa akin noon na kaya napapayag si Linus na i-hack ang wifi ay dahil sa tiktok videos. Meaning, talagang weakness ng mga lalaki ang mga babaeng gumigiling.
"Tch. Dream on." aniya at agad binitawan ang kamay ko.
Inayos nya kunwari ang coat nya pero hindi naman lumayo sa akin. Iniipit pa rin nya ako sa pader at kaunti na lang, kaunti na lang talaga mararamdaman ko na yung kanya.
"E bakit ka nga nagagalit kung di yon ang dahilan aber? Yun lang naman ang nakikita kong rason."
Sinulyapan nya ako ng matalim. Medyo kumalma na sya ngayon. Hindi gaya kanina na namumula pa talaga sa galit.
"Siguro nagseselos ka no? Aminin mo. Nagseselos ka na may ibang mga lalaking nakakakita ng sexy dance moves ko. Kaya ka nagagalit." pang aasar ko.
"Of course not. Why would I be jealous?" kalmado ngunit mariing sambit nya.
"Ewan ko sa'yo. Baka may gusto ka sa kin?" tinaasan ko sya ng kilay.
Psh. Para rin 'tong Reed e. Galit galitan kuno, gandang ganda naman sa akin.
"You're not even my type. Bakit ako magkakagusto sa'yo?" kunot noong sabi nya.
"E kung hindi, e ano? Bakit ka nga nagagalit?" untag ko.
Ano yon, magagalit ng wala lang?
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...