Pagkatapos ng pang umagang klase kinabukasan ay sinadya kong magpahuli. Kaya lang binalak akong hintayin ni Akiko. Nagpaalam na lang akong magbabanyo para hindi na nya ako kulitin. Imbes na sa banyo sa likod ng science building ako pumunta gaya ng sabi ni Isabella. Siniguro ko munang hindi ako nasundan bago ako tuluyang pumasok sa abandonadong hilera ng mga classroom. Nasa pinakalikod na yon na bahagi at madamo na ang parteng yon. Nagkalat rin ang mga sira sirang upuan, vandalism sa pader, at mga basag basag na bote.
Actually medyo creepy ang lugar dahil sa bawat pagtapak ko sa malulutong na dahon ay nakakapanindig balahibo. Parang sa horror films, amoy lupa rin ang lugar at parang anytime may lalabas na zombie.
"Shea-
"Ay anak ka ng puta!" gulat na sigaw ko nang may bumulong sa gilid ko.
"Ano ka ba! Ba't ka nanggugulat dyan?! Muntik na kitang masapak alam mo ba yon?!" nakahawak ako sa dibdib at taas baba ang paghinga habang nakatingin ng masama kay Isabella.
Para kasing tanga na nakatayo sa gilid, medyo madilim pa naman ang parteng yon tapos pabulong pa sya nagsalita. At ang matindi pa neto, naka poker face lang sya. Blangko ang mukha na akala mo ligaw na multo. Samahan pa ng medyo mapusyaw nyang balat at hindi man lang nagliptint ang gaga.
"Tinawag lang kita, hindi kita ginulat," tamad na sabi nya bago tiningnan ang pinanggalingan ko."Wala bang nakasunod sa'yo?"
"Bakit may nakikita ka ba?" Pambabara ko.
Kainis kasi. Talagang nagulat ako don punyeta.
"Sumunod ka sa akin," aniya bago naunang naglakad.
Luminga linga muna ako sa paligid bago sumunod sa kanya. Pumasok sya sa isang bakante at abandonadong classroom, ganon din ang ginawa ko. Luma, maalikabok, basag basag na bintana, sira sirang mga silya at nagkalat na mga sirang gamit ang tumambad sa loob. Isinara nya ang pinto sa likod namin at saka dumiretso sa may pisara.
May mga nakasulat don na hindi ko maintindihan dahil doktor yata ang nagsulat don. Ang gulo gulo. Hindi mo maintindihan kung sulat ba yon o drawing na.
"Anong ginagawa natin dito?" Medyo kabadong tanong ko.
Dalawa lang kasi kami dito at nasa abandonadong lugar pa. Kung patayin nya ako ngayon walang makakaalam. Ni hindi ko sya kilala at kung anong kaya nyang gawin. Nakakapanghinala kasi ang paraan ng paninitig nya.
"Dito tayo mag uusap para walang ibang makarinig."
Bahagya akong kumalma.
"Bakit? sensitive ba masyado ang topic natin?"
Tumango sya.
"Ako at ikaw pa lang ang may ideya na parang may kakaiba sa eskwelahan na ito."
"Kakaiba? Paanong kakaiba?" Marahang tanong ko.
"Last year." Tinuro nya ang nakasulat sa pisara."Nawala na parang bula ang isang trabahador sa cafeteria."
Kumunot ang noo ko sa itinuro nyang nakasulat. Hindi ko maintindihan pero parang pangalan yon ng babae.
"Wait, question lang. Ikaw nagsulat dyan?" Turo ko don.
Tumango sya.
"Psh. Balik ka sa grade one 'day. Ansama mo magsulat. Parang labag pa sa loob mo. Pangarap mo bang maging doktor?"
As expected, wala akong nakuhang ekspresyon kundi blangko.
"Sinadya ko yan para hindi mabasa."
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...