Kabanata 20

46 9 0
                                    

"MARIANNA YSABELLA LUALHATI?!"

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko habang nakaduro sa kanya. Namimilog ang mga mata kong nakatingin sa kanya samantalang kalmado lang ang hitsura nya.

Siya na nga ba yon?  Siya na ba yung hinahanap ko? Ang nawawalang estudyante ni Mrs.Crisanta at ang may akda ng librong 'to?

"Isabella Cremeur ang pangalan ko." kinurot nya ang tela ng uniform nya kaya napaitingin ako don.

Isabella C.

Iyon ang nakalagay sa nameplate nya. Bumagsak ang balikat ko at saka sya tinitigan. Kamuntik ko nang matampal ang noo dahil sa kabobohan. Oo nga naman, paano naman sya magiging si Marianna Ysabella Lualhati kung ganto kabata ang hitsura nya. Tantya ko'y mas bagets sya sa akin. Mas matangkad kasi ako ng kaunti sa kanya at mas hubog ang katawan. Kung di ako nagkakamali nasa labintatlo o labing apat pa lang sya base sa hitsura at katawan nya. Nahati sa dalawa ang pagkakatali ng mahabang buhok nya sa magkabilang gilid na parang bata at may malaki at makapal na salamin sa mata.

"Ikaw yung bagong estudyante di ba?"

Napakurap kurap ako sa muli nyang pagtatanong.

"Ah oo. Shea ang pangalan ko." naglahad ako ng kamay.

Tinignan nya muna yon bago tinanggap.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't oras ng tanghalian?"

Bakit ganun sya magsalita? Parang mas matanda pa sa akin?

Kung sabagay ganyan nga si Akiko minsan sa akin. Siguro ganito lang talaga sila magsalita. Medyo matured.

"Ah, naligaw kasi ako." napakamot ako sa leeg.

"Ganoon ba. Tara, sasamahan kitang makalabas." akmang lalabas na sya nang hawakan ko ang braso nya.

"Sandali lang. Ano nga palang ginagawa mo dito?" kuryosong tanong ko.

Matagal nya akong tinitigan bago tuluyang hinarap.

"Nag iimbestiga ako." walang ka-emo emosyon nyang sabi.

Naibaba ko ang kamay sa braso nya.

"Nag iimbestiga ng ano?"

Matagal na naman bago sya sumagot. Parang nag aalinlangang mag open up sa akin.

"Ng kababalaghang nangyayari dito sa eskwelahan."

Nagsitayuan agad ang balahibo ko sa animo'y nakakalibot nyang bulong.

"H-Hoy...t-teka, wag ka naman manakot. Nagtatanong lang ako e." kabado akong tumawa.

Nilingap ko ang kabuuan ng silid. Walang laman maliban sa amin ang silid na 'to. So ibig sabihin wala akong maihahampas sa ulo nya sakaling hindi sya totoong tao. Napalunok ako sa sariling naisip at tumingin sa kanya. Bukod sa nakatanga lang sya sa akin mukha naman syang harmless. Iyon nga lang nakakalibot yung paninitig nya.

"Anong narinig mo kanina?" maya maya'y tanong nya.

Dahan dahan akong napabuga ng hangin at bahagyang kumalma. Inisip ko kung ano nga ba yung narinig ko kanina. Kung totoo ba yon.

"Parang narinig kong.. may binanggit silang Ball? at saka.." huminto ako at nanlaki ang mga mata."P-Parang papatay yata sila? Ewan ko. Ang gulo e. Basta ang alam ko, may plano tapos papatayin daw ang haharang!"

Nagsimula na akong mataranta. Hindi ko alam kung totoo yun pero kinakabahan ako. Lalo na't alam kong posible ang lahat ng bagay rito. Ni hindi ko alam o wala akong ideya kung anong magiging takbo ng storya 'to.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon