Kabanata 17

46 8 2
                                    

Tahimik. Sobrang tahimik at tunog lang ng mga ibon ang naulinigan ko. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at mainit na hangin agad ang humampas sa mukha ko. Nasa rooftop pa rin ako kaya lang kung hindi ko pa nakita ang mataas at hinahangin na flag ng King's Academy ay iisipin kong nasa North Shore pa rin ako. Hindi ako makapaniwala. Nakabalik na nga ako.

Napaangat ang pwet ko sa init na nanggagaling sa sementong kinauupuan ko. Saka ko lang na-realize na tirik na tirik pala ang araw dito at nasa gitna pa ako ng kay kainitan. Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Suot ko pa rin ang uniporme ko sa North Shore pero wag kayo dakilang girl scout ata 'to. Nasa backpack ko lang naman ang uniporme ko dito at iba pang gamit. Hindi nga lang ako nakapagbihis dahil hindi ko naman inakalang mauulit pa pala 'to.

Tinitigan ko ang libro sa kamay. Nang buklatin ko yon ay gaya ng inaasahan, wala nang laman. Ngayon, kailangang mahanap ko si Marianna Ysabella Lualhati. Naks. Gandang ganda talaga ako sa pangalan nya. Tunong dalagang pilipina. Ano kayang hitsura nya? Yung tipo kayang di makabasag pinggan gaya ng pangalan nya? O tulad ko ring parang armalite ang bibig at balasubas. Wait, hindi ako balasubas ah, talagang nahawaan lang ako ng mga kaklase ko ng kabalbalan. Kung ganon din ang mga kaklase nyo imposibleng me anghel sa klase. Hay, ano ba 'tong pinagsasabi ko. Anyway, kailangan ko nang mahanap si Marianna Ysabella Lualhati.

Pero saan nga ba ako magsisimula? Ang lawak ng mundo. Pero teka, kung si Marianna Ysabella Lualhati ang author ng nobelang 'to ay ibig sabihin narito lang sya King's academy. Maliban na lang siguro kung ala Dora sya.  Pero bakit naman yon mag gagala e sabi ni Mrs.Crisanta introverted daw yon at walang masyadong kaibigan. Wala din jowa. Kaya malaki ang posibilidad na narito lang sya sa campus. Hmm.

Napahimas himas ako sa baba bago tumingin uli sa libro. Bahala na nga. Mag iimbestiga na lang muna ako. Pasensya ka na Mike Enriquez pero aagawan muna kita ng trabaho.

Nilagay ko sa bag ang libro at saka ako dumungaw sa ibaba. Wala nang masyadong tao sa ibaba. Siguro oras na naman ng klase. Wala sa sariling sumampa ako pasimano at tumayo.

"Whoaa." itinaas ko ang mga kamay ko para bumalanse.

Medyo mahangin dito kaya halos mag unahan sa pagtakbo ang mga kabayo sa dibdib ko. Pero keri lang, binawi naman sa view. Ang ganda ng view mula dito sa taas. Mula sa mga punong makukulay, maberdeng bermuda grass at mga naglalakihang dorm at building. Tanaw rin mula rito ang malaking gate at ang malawak na cafeteria. Sa kanan naman ang mahabang swimming pool at sports gym.

"Naks, kaya pala sobrang mahal ng tuition dito. Bawing bawi." ngumisi ako.

Umihip ang malakas na hangin at imbes na matakot ay pumikit ako at ibinaba na ang mga kamay. Ninanamnam ang preskong hangin na tumatama sa aking balat. Malamig kasi ang hangin rito kahit na tirik ang araw. Lalo na dito sa taas-

"Don't!"

Napamulat ako sa biglang sumigaw sa likuran ko. Bago pa man ako makalingon ay nahawakan na nya ang pulso ko kaya napatili ako at tuluyan nang nawalan ng balanse. Pumikit ako at hinintay na bumagsak ang katawan ko sa semento pero imbes ay matigas na katawan ang kinabagsakan ko. Nauntog pa ang noo ko sa dibdib ng kung sino kaya sabay kaming napadaing.

Shuta!

Napahimas ako ng ulo at saka iniangat ang tingin. Parang kusang nag slow mo ang paligid nang makita ko ang lalaking humila sa akin. Nakapikit pa sya at tiim bagang na dumadaing sa sakit.

"Treyton?" anas ko.

Nagmulat sya at tumingin sa akin. Ang malaginto nyang mga mata ay tumagos hanggang sa kaluluwa ko. At aaminin kong na-miss ko yon. Ang magaganda nyang mga mata.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon