Ano bang problema nila?
E sa hindi ako sanay na tahimik e. Nasanay ako na parang armalite ang bibig ko kaya bakit ganon na lang sila maka react kanina? Gusto ko lang naman na magbonding kami dahil magkakaklase kami kasi ganoon naman talaga. Normal lang yon. Pero bakit dito parang abnormal ang mga tao? Bawal magtsismisan sa hapagkainan? Tangina anong klaseng batas yon? Nakakagago lang. Maduling na ang gumawa ng batas na yon. Tss.
Saglit lang akong di nakaimik kanina dahil ayaw ko syang ipahiya. Lalo na't nakatingin ang lahat sa lamesa namin. Pero kusang bumalik ang iritasyon sa akin pagkatapos naming magtitigan. Hindi ako trouble maker. Aminadong pasaway pero hindi ako nakikipagbasag ulo o nakikipagkalmutan. Chill lang kasi ako at lahat ng nakakainitan ko ng ulo ay napapataob ko. Kahit nga si Reed na dakilang bully ay taob sa akin. Pero ewan ko ba sa lalaking 'yon. Ang lakas kasi ng dating. Nakakaintimidate sya. Yung tipong isang tingin nya lang matatameme ka na. Isang salita nya lang, titiklop ka na.
Bakit ba kasi napakagwapo nya?
Kung hindi lang sya mukhang Greek God ay baka pinatulan ko na sya. Pasalamat sya hindi ako nananakit ng gwapo.
"Hayan! Nariyan lahat ng school rules at Class A++ rules na kailangan mong malaman." padabog na ibinagsak ni Thara ang isang manipis na libro sa desk ko at saka humalukipkip.
Tinignan ko yon at taas kilay na tiningala ko sya. Isa pa itong babaitang ito. Ship na ship ko pa naman sila ni Treyton dahil may nakikita akong spark sa mga characters nila pero ganto pala kataray ang ugali nito. Akala mo santo pero may sa demonyo din pala.
"If you have questions regarding with that book, feel free to ask me. Para hindi ka napapahiya." inismiran nya ako bago tumalikod.
Nagtagis ang ngipin ko at inambahan sya ng saksak.
"Pasalamat ka maganda ka. Hindi rin ako pumapatol sa magaganda." bulong bulong ko.
Tinignan ko ng may disgusto ang libro. Asa naman syang babasahin ko 'to. Tss. Kahit mamatay sya hindi ko bubuklatin yang librong yan.
Kinuha ko ang libro at basta na lang itinapon sa likod ko.
"Aray!"
Napalingon agad ako don.
Shet.
"Naku sorry! Ikaw kasi e. Anong ginagawa mo dyan?!" natutop ko ang bibig nang nabato ko ng di sadya ang tao sa likuran.
Napahimas sa ulo ang lalaking tinamaan ko ng aklat. Nasa likuran pala sya at may inaayos doon sa mga mini shelves.
"May hinahanap ako. Bakit ka ba namamato?" napakamot sya ng marahas sa ulo.
Grover Larmanton, 16 years old. Siya ang Seargent at arms. He has the ability of cloning or self duplication. Ewan kung totoo yon. Saka na lang siguro ako maniniwala kung nakita ko na.
"Sorry na hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na nandyan ka e." tumayo ako at nilapitan sya."Ano bang hanap mo dyan? Pokemon?"
Kaunti pa lang kaming nasa room dahil ilang minuto pa bago ang klase. Yung iba lumabas muna. Nagsipag-cr. Yung iba naman sa corridor tumambay.
"Pokemon?" nagtaas sya ng kilay sa akin nang tingalain ako.
"Oo. Siguro meron kang pokemon go sa phone mo." umupo ako sa tabi nya at sinipat sya.
May hawak syang phone na ginagamit nyang flashlight. Medyo madilim kasi sa likod na 'to dahil di abot ng ilaw na donate pa yata ng pinakaunang estudyante rito dahil mas malabo pa sa pangarap kong i-crushback ni crush.
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...