Chapter Twenty-Three

460 23 0
                                    


Chapter 23: Half

Umiwas ako ng tingin at nakita ko ang mga kapatid ko na kakapasok lang sa main hall. Feeling ko ay susunduin sana nila ako. Tumatawa sila at mukhang hindi pa nakikita na nandito na ako.

Napatigil sila sa pag-uusap ng makita ako sa gitna ng dalawang lalaki.

I sighed. Yung feeling na gusto kong malaman ang mga magulang ko ay napalitan ng takot. It just doesn't make sense kung bakit sasabihin ni Mr. Smith sa akin 'yon ng walang ibig sabihin.

Maraming pumupuntang mga pangyayari sa isip ko. I don't want to entertain them so I just made myself believe that this is a dream.

Dahan dahan silang lumapit sa akin. Umatras din ako at dumiretso sa kanila. Hinawakan ni Ate Carlene ang balikat ko at pinisil pisil. Kumalma medyo ang isip ko dahil sa ginawa niya.

"Mr. Smith! May problema po ba?" Ate Angel asked. Napatingin ako kay Jerome dahil sa sobrang paninitig niya sa akin. His gaze was enough for me to feel frightened with my situation. Pagkaangat ko nga lamang na mata, he walked away.

"Wala naman Angel, are your parents here? May gusto lang akong tanungin sa kanila." My gaze went back to Mr. Smith after following Jerome walking away.

My heart's beating erratically. Ayoko sa mga naiisip ko. Nakakatakot.

Lumapit si Ate Angel kay Mr. Smith. Hinawakan naman ni Ate Carlene ang braso ko at inikot ako para humarap sa kanya.

"Calm yourself, Simone. You're starting to beam light."

Tumango ako at huminga ng malalim. We're not sure of anything yet. Maraming possibilities, hindi lang ang naiisip ko ngayon. Ayoko na itong i-entertain.

Ate Carlene wiped a tear that escaped my eye. Alam kaya nila ang nangyayari? I know they're very observative. Mayroon na silang naiisip sa nangyayari.

I stood up straight and calmed down. Actually, iniisip ko lang na kalmado na ako. My heart's still beating wildly. Wala na akong magagawa do'n. At least dumadami siguro dugo ko?

Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila Mr. Smith at Ate Angel. Nakikita ko lang ang pag kunot ng noo ni Ate.

Tumango si Ate at tinignan ko ng nakangiti. Sa tingin ko'y pinapagaan lang niya ang loob ko. I smiled back.

Nahagip ng paningin ko ang pagtingin ni Mr. Smith sa akin bago maglakad paalis. Nawala ang ngiti ko at nagpakawala ng tinatagong hininga.

"Akala ko naman may nangyari sa pagkokontrol mo ng ability. 'Wag ka mag-alala masyado," pinisil ni Ate Angel ang pisngi ko. "Nandito kami para sayo."

My heart warmed with the thought. Pero hindi pa ako tuluyang nakakaget over nang tanggalin bigla ni Ate Veronica ang ipit ko. Nahulog ito at hindi ko alam kung ano ang itsura. Siguradong hindi maayos dahil may mga nahulog na hibla ng buhok ko sa mukha ko.

"Ate!" I ran to her while laughing. My hair is bouncing everytime I stop running. Nakarating na kami sa kwarto namin bago tumigil sa pagtakbo.

She hugged me and patted my head. Napangiti ako. Alam kong ginawa niya lang 'yon para hindi gumulo ang isip ko. They're the best.

She removed her hug but I was immediately enveloped into another from my other sisters. They always try to make me feel that I'm loved. That I'm not neglected. And I'm so happy that I have them in my life.

Ibinaba ko ang mga gamit ko sa desk at humiga sa kama. Dahil din siguro sa pagod at sa mga iniisip ko, nakatulog din ako agad.

I woke up with the smell of ramen. Agaran akong naghilamos bago lumabas ng kwarto.

Storm Academy: Tale of FalsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon