Chapter Fourteen

510 41 1
                                    


Chapter 14: Circumstance

I heard Jerome mutter a curse before I hear a loud splash. Tumakbo palapit sa akin si Jerome at hinila ang braso ko. Nagulat ako sa pag-kuha niya sa braso ko at pagtakbo namin pabalik sa academy.

"Huy, bakit?" tanong ko. Patuloy lang siya sa pag-hahatak sa akin kahit na sobrang dami nang talsik ng putik ang nasa damit at paa namin.

"It's the day where they all try to enter the academy." Who will?

I stepped on a branch. Nadapa ako kaya napabitiw si Jerome sa pagkaka-hawak niya sa akin. My whole shirt is full of mud now. Para na akong si Peppa Pig na tumatalon sa isang muddy puddle.

Walang pasabing itinayo ako ni Jerome at tumakbo ulit kami papunta sa academy.

Jerome muttered another curse. Napatingin ako sa harapan ko at lumiliwanag ang paligid ng academy. Lumiliwanag ang barrier at pakonti-konti ito mula sa taas.

"Bakit anong mangyayari?" Sobrang bilis na ng takbo ni Jerome at hindi ko nasusundan ang bilis ng takbo niya.

"The barrier is closing! Bilisan mo na diyan kung gusto mo pang mabuhay!" malakas na sabi niya. Tumakbo ako ng sobrang bilis na kahit ako ay hindi alam na kaya ko palang tumakbo ng gano'n.

Tuloy tuloy ang pag-mura ni Jerome nang may papalapit sa aming Night Carcass. Binitawan niya ako at inapuyan 'yon.

"Pumasok ka na sa barrier hangga't pwede pa. I'll buy you time. Bilis!" Natatakot man ay tumango ako at tumakbo muli papunta sa academy.

Nang malapit na ako, napatigil ako nang marealize ang nangyayari.

We'll he stay here and fight those?! Rumarami sila at lahat sila ay paderetso kay Jerome. Tiningnan ko ang barrier at malapit na ito pumunta sa pinaka-baba. Kasya pa naman ako ngunit ayoko iwanan dito si Jerome mag-isa!

I quickly got the dagger that I hid behind my back and threw it to a carcass who was about to bite Jerome.

"I may not have powers but I'm not that useless!" sigaw ko sa kanya at tumakbo palapit para kuhanin ang dagger sa naghihingalong carcass.

"May section something naman sa law na pwede nating patayin 'to, 'di ba?" I asked him. Ayoko pa din makulong 'no!

I heard him snort, "You stab them in the neck and I'll burn them to ashes." Tumango ako sa kanya at itinurok sa leeg ang dagger sa isang carcass. Tulad nga ng sabi ni Jerome, sinunog niya ito hangga't sa mawala sila ng parang bula.

"By the way, bakit umilaw ang barrier at madaming night carcass ngayon?"

"The barrier is locked. Hindi ka makakapasok at makakalabas dahil ngayong araw lumalabas sabay sabay ang mga carcass para..." Naglabas siya ng apoy papunta sa balikat ko kaya tumalikod ako agad at sinaksak ang carcass na nasa likod ko. "...kumain. So basically, we already signed our death wish." Nanlaki ang mata ko at hinarap bigla si Jerome.

"Kelan magbubukas ang barrier?!" I took out the dagger from the carcass I just stabbed and stabbed it again to another one.

"When the sun shines, I guess." My mouth hung open at wala na akong nagawa kung 'di ay tingnan na lang siya ng naglalaki ang mata.

"What? 'Di ka pumasok sa barrier eh. Not that useless ka pa d'yan na nalalaman." Tumawa pa siya ng maikli. Mabilisan kong pinagsasaksak tuloy tuloy ang tatlong carcass na lumapit sa akin. I counted the hours before the sun shines, and it's 7 hours!

3 hours pa lang na pagpa-practice kasama si sir Zephyr ay para na akong mamamatay.

Hays! I really signed my death wish. Goodbye world.

Storm Academy: Tale of FalsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon