Chapter Thirteen

555 38 0
                                    

A/N: It's the lucky number for swifties so I can't take this opportunity to create a chapter inspired by a Taylor Swift song. Try to listen to the song while reading this and tell me some of the lyrics that is here :)) Enjoy.

Chapter 13: A Place In This World

Bumaba na kami sa bus. We have already arrived in the school grounds. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko nakita ang mga ate ko sa Boulderville.

"Calla, nakita mo sina ate kanina?" I asked her while we're walking inside the hall to eat.

"Hindi mo alam?" I furrowed my brows. Anong hindi ko alam? "They went somewhere. Basta nagbibigay ang council ng mga missions na kailangan nila matapos. Usually naman ay isang araw lang 'yon."

So, hindi nila sinabi sa akin? I faintly smiled. I think there is a good reason for that. Inakbayan ko si Calla at dumiretso na kami sa cafeteria.

"Ano nga pala ang mga binili mo?" Tiningnan ko ang hawak hawak niyang plastic bag. Iniis-sway niya pa 'to na parang batang tuwang tuwa sa bagong laruan. But I think she is happy.

Binuksan niya ang plastic bag at nilabas ang isang waning crescent na figurine. It's as tall as her two hands. Malapad din 'to. I can see how happy she is with the wide smile she's giving.

"Eto na lang ang kulang ko. Mabubuo ko na ang moon phases!" tuwang-tuwa na anya niya.

"One of a kind?" Umiling siya.

"Limang set ang ginawa ng gumawa nito. The first set was given to the Smiths, the second to the leader of the vampires, the third to the leader of the werewolves, and then ang dalawa ay pinamigay niya individually sa iba't ibang tao."

"Paano mo nakuha ang lahat?" Nakapila na kami ngayon sa cafeteria upang bumili ng pagkain. Madaming tao ngayon dahil sabay sabay ang lahat na kakain.

"Well, binenta ng iba ang kanila. Kailangan nila ng pera siguro kaya gano'n. Binigyan ang mommy ko ng isa, at isa naman kay daddy, at kung maniniwala ka man o hindi, nabigyan din ako. That's when I told my parents na gusto kong makumpleto 'to. Then finally, I did." Biglang naging pilit ang ngiti niya. Hindi ko na siya natanong dahil kami na ang sunod sa pila.

Sinabi ko ang gusto kong pagkain at kinuha ang card ko sa bulsa. I tapped my card on the machine at gano'n din ang ginawa ko kay Calla.

"Thanks sugar momma." Nginisihan ko lang siya.

"Hindi 'yan libre." Ngumuso naman siya at malungkot na tumango. Napairap nalang ako sa kadramahan niya kahit nakangiti ako.

"Miss nahulog m—ah ang sakit." Napatingin ako sa likod ko. Hinihipan niya ang kamay niya. Nakita ko sa ibaba ang anklet na kakabili ko lang.

"Okay ka lang?" Pinulot ko ang anklet ko at pinasok sa bulsa. The paper bag got teared off so it went out.

Tumingin naman sa akin ang lalaki. "Hindi mo nararamdaman yung kuryente?" Umiling ako at nangunot ang noo. Anong ibig sabihin niya?

"Weird." anya ng lalaki.

Nagpasalamat ulit ako bago tumalikod. Kinuha ko na ang tray ko at pumunta na kay Calla.

"Now that it happened, both me and the store owner felt electrocuted by it too," saad ni Calla habang naghahanap kami ng mauupuan. I checked the center table to check if my sisters are there, but to no avail, they weren't. Tumingin naman ako kay Calla at napa-isip sa sinabi niya.

I didn't feel anything about it. It's just a normal anklet for me.

"Baka special ka." She winked at me when I furrowed my brows. "Special child." I rolled my eyes and looked at the center table once again.

Storm Academy: Tale of FalsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon