Chapter Seventeen

445 32 2
                                    


Chapter 17: Confrontation

I woke up with the sound of machines beeping. I opened my eyes and the first thing I saw was the white ceilings. Tinignan ko ang gilid ko at narealize ko na nasa hospital na naman ako. I have an IV on me. Mayroon din akong oxygen mask sa bibig ko.

Kaizer.

"Grabe, sa payat mong 'yan ang bigat mo." unang sabi ni Kaizer. Did he really just started my day with an insult? Wala man lang 'Buti naman gising ka na'?

Wala akong nagawa kung 'di tanggalin ang oxygen mask at magsalita.

"A-Anong nangyari?" I asked him in my hoarse voice.

"Tinawag mo 'ko." Napapikit na lang ako ng mata sa pamimilosopo niya. Inangat ko ang ulo ko at tatayo sana nang pitikin ako sa ulo ni Kaizer. I gave him a glare. Ibinalik niya 'to sa akin.

"Huwag ka ngang tumayo kapag 'di pa nila sinabi. Ayoko kitang buhatin ulit." I sighed.

Wala akong napala sa kanya. Akala ko'y maririnig ko kung ano ang nangyari. Pero talagang stress lang ang ambag niya sa buhay ko.

He laughed. "Nahimatay ka sa library, tinawag mo 'ko, binuhat kita palabas ng library, nakasalubong ko yung kasama natin dati sa paglalaban, hindi ka niya pinansin. Akala ko pa naman may something kayo no'n," Inirapan ko siya. Ang assuming naman nitong guardian na 'to.

"Eh 'di tinawag ko siya. Tinanong ko kung anong nangyari sayo. Sabi niya sa akin," umubo pa siya at umayos ng tindig na kagaya ata ng kay Jerome. "Nahimatay." I snorted. Natawa ako sa kapilosopohan ni Jerome at sa panggagaya ni Kaizer.

"Tapos ayun, tinuro niya sa akin yung clinic. Pero inilipat ka dito dahil bigla kang nag-seizure." Umupo si Kaizer sa sofa pagkatapos niyang mag-kwento.

I guess the drug is wearing off? Or I'm wearing off? Hindi ko alam.

I know my dad is a known researcher and he creates new drugs and medicine for peculiar people. Their blood isn't normal which means some drugs might not work well for them like it does for humans.

But I didn't think he'd create one for me.

A drug that could stop my ability to surface. A drug that I could've been getting for the rest of my life if I hadn't followed my sisters.

Are they still my family? Theoretically, we aren't now related by blood. But I'm still a Red since my birth certificate says so. If I heard everything right, atleast. Which I hope isn't the case. I hope I misheard that I have another mother, have abilities, and their secrets. Sana'y panaginip lang lahat ng 'yon.

'Cause right now, I only feel like I'm a nuisance to them.

But after all, I don't know the story behind the picture I saw. Not everything I think will turn out to be true because I'm biased to myself. Iba ang alam nila sa alam ko. At sitwasyon ko ngayon, mas marami ang alam nila kaya wala akong karapatan na magalit sa kanila.

I coughed. "Nakakahawa ba 'yan? Aalis na ba ako?" I stopped coughing and gave Kaizer a death glare.

"What? Better safe than sorry." Bakit niya ba kasi ako hinawakan noon. Eh 'di sana'y hindi siya ang kasama ko. Kulang na lang ay Stress Maker na ang itawag ko sa kanya.

Storm Academy: Tale of FalsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon