Chapter Thirty-Six

223 10 3
                                    

Chapter 36: Make A Choice

"May isang time nga na sobrang linis ng papel kung nasaan ang range dahil lahat ay bullseye." Nahihiya akong tumawa bago sumubo ng pagkain.

It's been a week since I stayed here, but their hospitality was always the same. They'd tell me to stay here longer if I had too. Wala silang problema at hindi naman daw ako mahirap pakisamahan.

Ate Seraphine owns a restaurant, and Sir Zeph's only job is teaching martial arts. At dahil hindi na niya ako tinuturuan, wala pa siyang ibang ginagawa at nahahanap na matuturuan. Kaya lagi kaming naiiwan sa bahay habang si Ate Seraphine naman ay umaalis simula alas-otso at umuuwi ng alas-singko.

Ate Seraphine laughed. "Naririnig ko lagi ang kwento niya tungkol sa 'yo dahil ikaw lang daw ang seryoso na nag-aaral ng martial arts." He held my shoulders and I flinched. Napakurap ako at nakita ko ang nagtataka nilang tingin. I awkwardly smiled and continued eating.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako agad sa loob ng kwarto at inayos ang mga gamit. Hindi ko na sila pwedeng abalahin pa. I think a week is enough for me to stay here. Kailangan ko ng umalis.

Siniksik ko ang mga gamit ko sa loob ng bag at pilit na pinagkasya ang mga nilabas kong gamit. I was in the verge of zipping the bag when I heard a knock from my door. Agad kong ibinaba ang bag at binuksan ang pinto, showing Sir Zeph with a wary smile.

"Can I come in?" Tumango ako at binuksan ng malaki ang pintuan. Pumasok siya sa loob at sinarado ang pinto. He eyed my bag. Napatingin din ako doon at nahihiyang ngumiti.

"I'm leaving today." I stated the obvious. Nakita ko ang bakas ng pagkagulat ngunit tumango rin siya kalaunan.

"Hindi ko alam kung anong sitwasyon mo ngayon, at kung bakit ka aalis, pero alam ko namang kaya mo ang sarili mo." I smiled sadly and dropped my gaze. Nahihiya akong tingnan si Sir Zeph dahil sa dami ng natulong niya sa akin ngayon.

"The thing is, I'm not Red's biological daughter." mahinang saad ko at tinignan ang naging reaksiyon niya. His eyes widened and his lips parted, like the usual shocked face. "And my biological mother wants me back... pero masama siya kaya..." tumakas ako.

Hindi ko na dinagdagan pa ang sinabi ko at tumango naman agad si Sir Zeph, hindi na tinanong ang sunod. I heard a phone ringing from outside. Lumabas na si Sir Zeph para sagutin ang tumawag habang kinuha ko naman ang bag ko at isinakbit na sa likod ko bago bumaba.

"Mr. and Mrs. Red!" Tumingin sa akin si Sir Zeph at agad akong lumapit sa pwesto niya. Umiling ako. I mouthed that they shouldn't know that I'm here. Tumango siya at pinakinggan ang sinasabi nina mommy and daddy.

We can't call from the academy, so I guess they're back here. It's just a matter of time if they come here and look for me.

"Si Simone po? Hindi po ba nasa ibang bansa na po siya nag-aaral?" I nodded at Sir Zeph. Pinindot niya ang loud speaker ng cellphone at pinarinig sa akin ang sinasabi nina mommy.

[Are you sure that she didn't contact you?]

"Y-Yes po, wala po akong naririnig tungkol sa kanya."

[We're actually close to your subdivision, can we head over there?]

Tumango ako kay Sir Zeph at tinuro ko na ang pintuan. Kinuha ko na ang sandals ko at sinuot na ito, naghahanda na sa pag-alis.

"Sure po, ma'am. Nandito po ako sa bahay ngayon." Sabi ni Sir Zeph bago niya pinindot ang cellphone at nilagay sa tenga upang marinig niya ang sinasabi ni mommy.

"Sige po, hihintayin ko po kayo." Huling saad ni Sir Zeph bago pinatay ang cellphone at nagtatakang tumingin sa akin.

"Alam mo bang pupunta sila— Imposible naman 'yon. Baka nagkataon lang." paniniwala niya sa sarili niya.

Storm Academy: Tale of FalsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon