Chapter 15: Eavesdropping
I woke up with a slight headache and soreness over my whole body. Hindi ako nakapag-warm up kahapon at nabanat ko lahat ng parte ng katawan ko. Specifically my wrists.
Naalala ko bigla ang dagger ko! Bigay pa 'yon ni lola. Sa kanya 'yon dati, nag-promise pa naman ako na hindi ko 'yon iwawala!
Napabangon ako bigla na lalong nagpasakit ng ulo ko. I helplessly lied down again to ease my headache. Nang medyo mawala na 'yon, I stood up, slowly this time, and went to my cabinet. Naghanap ako ng mga painkillers pero wala pala akong stock.
Naghilamos ako at nag-toothbrush bago lumabas ng kwarto. Pretending to be fine whilst wincing secretly. Naghanda sila ng pagkain at nakahain na ito sa tig-iisang plato. Nakakatakam kumain ng rice, pero kapag ganitong nahihilo ako, hindi maganda sa akin na kumain ako ng kanin.
"Oh, nandito na pala si Simone. Tara kumain na tayo." Umupo na sila isa-isa sa upuan. Tinignan ko ang plato ko at ang pagkain na maayos na nakalagay dito. It's tuna and egg mixed together and corn and carrot rice. I tend to puke things out when I eat large meals whenever I'm sick.
"Uhm, magko-coffee lang po sana ako... Kakainin ko na lang po mamaya 'yan. S-sorry po." Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nagtimpla ng kape.
I was looking for the creamer when Ate Carlene stood beside me and opened the top cupboard. Ibinaba niya ang creamer at ang sugar. Nagpasalamat ako at kinindatan lang niya ako.
Nagsalin ako ng kape at nilagyan ng creamer at sugar. Nasa isang matangkad na baso ako nagsalin dahil mas gusto ko ang iced kesa sa hot. Kumuha ako ng ice sa loob ng ref at inilagay 'yon sa baso.
Tiningnan ko ang mga kapatid ko at mabagal silang kumakain. I smiled sadly. It's too early for me to wreak havoc. Kinuha ko ang baso at isang coaster bago ngumiti sa mga kapatid ko at pumasok sa kwarto. Inilapag ko ang coaster at ang baso sa study table ko at umupo ako sa upuan. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Tinigil ko din 'to agad dahil lalong sumakit ang ulo ko.
I'm such a disappointment. Ang aga aga naghahasik na ako ng lagim. Magkakaroon na ba ako? Uminom ako ng kape at humiga sa kama. Sana mawala na ang sakit ng ulo ko. Pati ang palapulsuhan ko ay parang sa isang matanda na na tunog ng tunog.
Pinapakalma ko na lang ang sarili ko dahil may tatlong levels naman ang nadagdag sa akin. Pantay na ulit kami ni Jerome. Napikit pikit ang mata ko nang biglang binuksan ko 'to agad at napatayo. Sumipsip ulit ako sa kape ko at naalala ang utang ni Calla.
Gusto kong maraming matira sa pera ko. Mas maraming tao ang nangangailangan kesa sa akin at kay Calla. Inubos ko sa isang inuman ang kape at nagpasyang maligo. I wore an overall dress and some white tee. Kinuha ko ang baso at ang coaster at lumabas. Nilagay ko ang baso sa lababo at hinugasan na ito.
"Simone, kumain ka ng ilang subo. Masama na walang laman ang tiyan mo." Napatingin ako kay Ate Angel habang nagpupunas ng kamay.
"Mamayang lunch na lang po. Sorry po talaga." Nagkatinginan ang tatlo at tumango si ate Veronica.
"Pupuntahan ko lang po si Calla. Bye po!" Nagbigay ako ng flying kiss at sinuot ang sandals ko. Naalala ko ang doll shoes ko na puno ng putik. Bakit hindi ko 'yon nilinis kagabi? Mahihirapan akong linisin mamaya 'yon.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ni Calla, umupo lamang ako sa isang bench dito at hihintayin na lang siyang lumabas. I was fidgeting with my fingers when the door opened.
"Miss mo na agad ako? Halika dito i-kiss kita." Inirapan ko siya at iniwas ang mukha ko.
"Nandito po ako para singilin ang utang niyo sa akin." Umupo sa tabi ko si Calla.
BINABASA MO ANG
Storm Academy: Tale of Falsities
FantasyThis story is not about finding love in the pursuit of an unprecedented life, but about finding her true self in a tale of falsities. ••• Storm Academy. The start of the downturn of Simone Louise Red's life. An academy that caters peculiar students...