Chapter Nine

646 46 1
                                    

Chapter 9: Conciliator

Umakyat na ako sa tower namin. Itinago ko ang kamay ko na may benda sa likod. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nakita ko ang mga ate ko. They're all at the couch. Napatayo sila nang masarado ko ang pinto.

"Saan ka galing?" tanong sa akin ni Ate Veronica.

"Uh... I was at the benches... N-nanood po ako ng pag-disassemble nila ng nga tents." Lumiit ang mga mata nila at napatingin sa gilid ko.

"Anong tinatago mo?" They're walking closer to me. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Just as they were going to look at my back, I quickly put my hand inside my shirt. Umakto pa akong nag-kakamot ng likod.

"Ah, kanina pa po ako n-nangangati. Maliligo po muna ako!" Mabilis na paglakad ang ginawa ko papunta sa kwarto ko. I locked the door and leaned in it.

Tiningnan ko ang benda na ginawa ni Jerome. Umalis na ako do'n at kumuha ng damit pamalit at pumasok sa cr.

My heart was pounding so fast. Para akong tumakbo ng isang kilometro.

I changed into a pair of silk pajamas. Washing my face and brushing my teeth was exceptionally hard. Kanang kamay ang nakagat sa akin. Hindi ako sanay na kaliwa ang ginagamit ko.

Mali palang nag-palit agad ako. My pajama is soaked with water after washing my face. Lumabas na ako sa cr habang pinapagpag ang basang pajamas.

Humiga na ako sa kama. I just reflected on this day. The morning was a jovial memory. I had fun with Calla and my sisters. But the glimpse of reality the night had bestowed upon me made me feel things too.

Hindi ko pa alam ang galaw ng mundong ito. That even if I'm here, I still wish to go back to the comfort of my own room. All those thoughts entered my mind until they all felt blurry. I turned my lamp off. I tucked myself to bed and shut off the darkness of my mind with the darkness of the night.

I was woken up by the sun shining upon me. I stayed on my bed for a minute. I looked at my clock beside me. It's 8 am. Nagtaklob ulit ako ng mukha gamit ang unan ko. I felt the bandage brush against my skin. I stood up and went to the restroom.

My hair was... nevermind. I removed the bandage slowly. May marka pa rin ngunit hindi na ito katulad ng kagabi. Kinuha ko ang ointment at pinahidan ito.

Ginalaw galaw ko ito at mukhang hindi naman na masakit. Kinuha ko na ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste. Hindi na nga ito masakit. I happily brushed my teeth and washed my face.

Napatigil ako nang maalala makikita nila ito kapag kakain kami. Hindi ko naman pwedeng lagyan ito ng foundation dahil open wound pa rin siya. Napag-isipan ko na sa cafeteria nalang ako kakain.

I wore a sweater and leggings. I put my hair into a ponytail. Pinahaba ko ang sleeves hanggang sa kamay ko. Nang magawa ko na ito ay kinuha ko ang card ko at dahan-dahang lumabas.

Napatingin sa akin si Ate Angel na nag-luluto. I pulled my sleeves down.

"Saan ka pupunta?" Tinuro ko ang pinto.

"Sa cafeteria nalang po ako kakain, may kukuhanin din po kasi ako sa library. Balak ko pong mag-aral for... history!" Napalunok ako.

Nagtataka niya akong tinignan at balak pa atang pigilan ako pero tumakbo na ako papunta sa pintuan at nag-paalam. Nang nasarado ko na ay nag-lakad ako ng mabilis hangga't maka-alis sa tower.

Nakahinga lang ako ng maluwag pagkatapos kong maka-alis sa dorm. Dumiretso ako sa cafeteria at bumili ng breakfast ko. Hindi ko nakita si Calla kaya baka ay tulog pa siya. Nagagamit ko naman na ang kanang kamay ko ngunit hindi kasing lakas ng normal. Kumikirot ito paminsan ngunit hindi naman na siya gaanong kasakit.

Storm Academy: Tale of FalsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon