A/N:
Hi guys! Salamat sa pagbasa nitong libro na 'to. It means a lot to me. I'm still learning though, so expect a lot of grammatical errors. Let's all continue our conquest about Simone's life.Chapter 1: Started with a Bang
Nandito ako ngayon sa bahay ni lola para mag-training. I'm shooting bullets at pinatatama ko sila sa center, kung nasaan ang target. I confidently raised my gun and shot all three of the ranges. Tinanggal ko ang glasses at earmuffs na suot ko at hinihintay si Sir Zeph na tingnan ang mga ranges.
He greeted me with a slow clap pagkabalik niya sa akin.
"You aced it all. What do you want to do next?" Uminom muna ako ng tubig. I've been planning on asking him this. This might be a good time.
"One on one?" I quietly asked. Dati ko pa gusto maka-one on one siya pero ayaw niya. Hindi ko alam kung bawal 'yon o ayaw niya lang akong masaktan.
Tiningnan pa niya ako maigi bago unti-unting tumango. I smiled with delight. I need to win this.
"Okay. Unang matumba talo." I nodded eagerly.
Pumunta na kami sa ring. Naghihintayan kami kung sinong gagalaw. He taught me that I shouldn't start the battle by attacking first since, they would then know how I move. Hindi naman ito kailangan dahil nag-aaral lamang ako ng martial arts para may magawa sa buhay ko. I'm not like my peculiar sisters.
Kalaunan ay siya na yung nauna. I dodged his attack and tried to counter it, pero he already knew. I just dodged every attack habang naghahanap ng loophole. Ayun lang ang maaaring kong magawa ngayon para walang masaktan sa aming dalawa. When I found one, hindi ko muna pinahalata. Maya maya habang sisipain niya sana ako, sinuntok ko siya sa tiyan niya sabay sinipa ko siya sa paa para mawalan siya ng balanse. Pagkatapos nun ay sinuntok ko siya sa tagiliran kaya tuluyan na siyang nahulog.
Tinulungan ko naman siya agad tumayo pagkatapos. "You won. Congrats," sabi niya pagkatapos niya mag pagpag.
"Thank you po!" I smiled at him. I really like his compliments. It makes me feel strong and it adds confidence to myself.
Biglang pumasok si lola dito sa training room na may dalang mga juice at biscuit. Lola's always like this, so caring and sweet.
"Kamusta naman training niyo ngayon?" tanong ni lola. Inilapag niya ang dala niya sa isang table at pinaupo din kami do'n.
"We battled. She won," maikling sabi ni Sir Zeph. I blushed as I remembered how I did it a while ago.
Umiling naman ako at tumingin kay lola. "Sir Zeph was just easy on me. Don't believe him 'la." Kumuha ako ng isang biscuit at isinubo ito.
Ikinuwento pa ni Sir Zeph ang mga ginawa namin ngayon at mga achievements ko.Simula 13 years old ay nandito na ako. Tuwing weekends ay tinuturuan ako ni Sir Zeph ng martial arts. Natutunan ko din naman itong magustuhan. Dati'y puro hand in hand combats lang tulad ng karate, taekwondo, at judo ang tinuturo niya ngunit ngayon ay kasama na ang gun handling, survival tactics, at ang pinakabago ay kickboxing at boxing.
Kanina pa tingin ng tingin si Sir Zeph sa orasan niya kaya nagpaalam na ako na maliligo. Ibig sabihin no'n ay tapos na ang training ngayong araw.
"See you next weekend, Simone," pamamaalam ni sir. Nagpaalam na din ako at sinamahan siya ni lola palabas ng bahay. Dumiretso naman ako sa cr para matanggal na ang pawis ko.
Nagpalit ako ng isang t-shirt at shorts na naiwan ko dito noong nakaraang linggo. Tinuyo ko ang mahaba kong buhok at lumabas na sa banyo.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni lola paglabas ko. Sunday ngayon kaya ngayon ang huling araw ko dito sa bahay ni lola. May pasok kasi ako ng Lunes hanggang Biyernes.
BINABASA MO ANG
Storm Academy: Tale of Falsities
FantastikThis story is not about finding love in the pursuit of an unprecedented life, but about finding her true self in a tale of falsities. ••• Storm Academy. The start of the downturn of Simone Louise Red's life. An academy that caters peculiar students...