Chapter 10: What?
It's now my sixth week here in SA. Marami akong natutunan... kay Calla na kalokohan. We mostly hang-out everyday. Papunta ako ngayon kasama si Calla sa huling subject namin ngayong araw.
Hindi na rin intimidating ang mga kaklase ko. Hindi rin naman sila mabait sa akin, pero hindi na nila ako tinitignan ng masama.
Jerome... nevermind. He's still hot-headed and arrogant. Hindi ko naman na siya naka-usap simula ng makalabas kami do'n sa secret door. Maybe because I purposely dodge him. O talagang magaling lang siyang magtago.
"Simone..." nagulat ako ng bigla si Calla na pumahalumbaba at nag-iba ang boses. Kanina ay masaya siya dahil last subject na ito.
"Oh?" I answered.
"Kapag ba nagmura ako sa kitchen, tawag na do'n... cussina?" Tinampal ko siya at nahulog siya sa pagka-halumbaba. Natatawa naman siya sa sarili niyang joke.
"Akala ko naman seryoso na. Tch." Kinuha ko na ang notebook ko sa bag at inilabas na 'to. Ito na kasi ang huli na klase namin bago mag-mid exam.
This school consists of two exams, the mid-exams, and the final one held at the middle and end of the school year.
Mid-exams are just taken on paper. With the questionnaires and such. The normal ones. Habang ang final exams ay talagang mga pag-gamit ng abilities. And unfortunately, that is going to be my first failure ever.
I rested my head on the Calla's shoulders. Nasa isip ko pa lang nangyayari pero gusto ko nang mamatay. I don't want to fail!
"Ang tawag diyan...head and shoulders." Tumawa na naman si Calla sa sarili niyang joke. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng jokes niya pero hindi nakakatawa.
So far, isa pa lang ang joke na napatawa niya ako.
I think it was something like this.
"Oy, kapag pinag-sama mo 'yung 3.14 at 9.8 m/s² alam mo makukuha mo?"
"Anong metric—"
She rolled her eyes at me. "It's Pig! Pi plus gravity! Anong metric metric pa na sinasabi mo."
It's corny but I don't know why I laughed at that. Kung paano kasi 'yon sabihin ni Calla ay talagang matutuwa ka.
Biglang pumasok ang professor namin. He was looking at all of us thoroughly while holding a stack of papers. Hindi pa midterms!
Pabagsak niya itong ibinaba sa lamesa. Nagulat ako at ang mga kaklase ko. Narinig ko pa si Calla na napa-mura.
"I'm going to give you partners that you're going to work with for twenty minutes." He got the top paper and read it. 'Yon ang mga pangalan na mag-kaka partner. We are paired alphabetically.
Humawak sa akin si Calla at nag-bigay ng puppy eyes. Letter E kasi siya at R ako. Fortunately, medyo okay ang ka-partner niya. Natakot tuloy ako sa ka-partner ko.
I just waited for our professor to call my surname. Pumunta na si Calla sa harapan at umupo katabi ang partner niya. Now I'm here left alone.
Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto. Wala pala dito si Jerome kanina.
"Just in time. Smith and Red partner up." I blinked my eyes rapidly. Bumaba ang mga balikat ko nang kinuha ni Jerome ang papel na ibinigay ng professor. He then seated on his normal seat. I looked at him with a raised eyebrow. He raised his back and gestured the seat beside him.
Naiinis kong kinuha ang papel at ballpen ko at umupo sa tabi niya. Nagsasayang ng oras, pwede namang umupo na sa pwesto ko kanina.
I blew my hair that fell on my face. Kinuha ko sa kanya ang papel at binasa ito. Nangunot ang noo ko sa nabasa ko.
BINABASA MO ANG
Storm Academy: Tale of Falsities
FantasiThis story is not about finding love in the pursuit of an unprecedented life, but about finding her true self in a tale of falsities. ••• Storm Academy. The start of the downturn of Simone Louise Red's life. An academy that caters peculiar students...