SIMULA:
Perfectionist.
Hindi ko alam kung magandang katangian ba iyon dahil kung minsan, maski ako ay naiinis na rin kapag sinusumpong ang pagiging perpektonista ko sa mga bagay na nasa aking paligid. Ultimong pagkakasalansan ng mga plato sa bahay ay kailangan pantay at nakahanay sa mga kakulay, ang pagkakaayos ng mga sapatos ay kailangan ay pares sa sukat at disenyo, ang aking pagsulat ay kailangan pantay ng haba ng mga letra dahil kung hindi ay parang naiirita ako, naiinis ako na para bang may bagay akong hindi ko kaya.
Even I don't want to act like this especially in public, I can't stop it. It's like my self-protection system, I do it reluctantly.
Malakas akong nagpakawala ng buntonghininga habang nakatingin sa lalaking nasa aking harapan habang nakasakay sa pampasaherong jeep.
I think, he's a criminology student because of his uniform.
Kung makaupo pa ay akala mong pag-aari ang buong jeep, bukakang-bukaka.
I wonder if his meat balls and longganisa are big to sit like that. Nasasaktan ba sila kapag nakatupi ang hita? Oh, I wish I have dick to try it.
Napangisi ako sa naisip saka nag-iwas tingin. Tinatapik-tapik ko ang aking suot na sapatos sa sahig ng jeep upang pakalmahin ang aking sarili.
Don't look, Alice. You don't have to fix that.
Hindi ko maiwasan ibalik ang atensyon sa kanyang uniform. The hem of his uniform was not evenly buttoned. Dapat ay pantay sa ibaba ang laylayan pero sa kanya ay hindi, walang kapares ang isa kaya naiirita ako.
I want to fix it.
Inilagay ko sa aking bibig ang panyong hawak, hindi naman ako nakakaamoy ng mabaho pero nasanay akong nagtatakip ng bibig hanggang ilong ng panyo lalo't sa public.
I'm conscious.
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa aking harapan nang marinig ko ang mahina niyang tawa, para bang nakakainsulto ang pagngisi niya.
His arm was folded in front of his chest, he closed his eyes but there was a stupid grin on his lips. Tumabingi ang aking ulo sa kanya kahit hindi niya ako nakikita, nananaginip ba siya?
Nagulat ako nang bigla siyang dumilat pero hindi ko ipinahalata, nanatili ang blanko kong mukha para sa kanya. Nagtama ang aming tingin, seryoso ang kulay tsokolate niyang mata na pinasadahan ang mukha ko ng tingin.
I didn't look away, I look at him too for a moment. His eyes were on me the whole time, they didn't flaunt away.
Natigil lang kami nang huminto ang jeep at nagsakay ng mga bagong estudyante kaya mas naging siksikan. Umusog ako hanggang makarating sa dulo at likod ng driver.
Hindi na ako muling tumingin sa kanya lalo't nakuha na ang atensyon ko ng text sa aking phone ng isang lalaki. Binasa ko ang kanyang text, nagtatanong kung may pera pa ba ako at kung kailangan ko ng allowance.
I should be happy because I'm receiving money to pay all my bills without any effort but it just makes me feel dirty. I don't want his help, I don't need his pity.
Gumalaw ang aking panga habang nakatitig sa kanyang mensahe, mabilis kong binura ang kanyang mga text dahil wala naman akong balak reply-an pa siya.
Matagal ng wala ang nag-iisang ugnayan namin kaya hindi ko alam bakit nangungulit pa ang isang 'to.
"Bayad paabot, dalawang estudyante." Gulat akong napalingon sa nagsalitang lalaki sa tabi ko.
'Yong lalaki kanina na nasa aking harapan ay nasa tabi ko na, paano siya nakalipat? Tiningnan ako ang dati niyang pwesto na maluwag kumpara sa pwesto niya ngayon na halos kaunti lang ng kanyang pwet ang nakaupo.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...