Thank you for waiting and supporting my stories! Ang tagal ko pa lang hindi naka-update rito. Ito na nga. :D
Kabanata 3:
NANG gabing iyon ay halos hindi ako makatulog, nakakapanibago pala. Hinahanap ko ang amoy ng aking kwarto sa institution, ang unan na halos wala ng lambot, ang kisame na madalas kong titigan noon at ang maliit na ilaw na halos magpatay-sindi na.
Naiisip kong tama pa bang lumabas pa ako?
Ang dami nang nagbago, napag-iiwanan na ako, pakiramdam ko ay hindi na ako para rito sa labas pero may isang parte rin sa akin na gustong magsimula ulit.
Gusto ko sanang maging normal kahit alam kong malabo, hindi ako normal.
Hanggang lumipas ang oras ay dilat na dilat ako, wala naman akong iniisip pero dilat lang ako. Nang lumiwanag ay bumangon na ako kahit wala akong tulog.
Hindi ako nakakaramdam ng antok o pagod.
When I got down to the kitchen, Officer Alas was already there, busy cooking, and his phone was playing loud music on the counter. He's dressed in sweater pants, a sleeveless gray shirt, and a pink apron.
I watched him mix what he was cooking, the muscles in his arms flexed.
Suminghap ako at napakunot pa ang aking noo dahil pamilyar ang amoy ng niluluto niya, kasing amoy ng soup sa canteen sa institution, 'yung lagi kong hinihingi roon.
'She's gettin' ripped tonight, R.I.P that pus—'
Nagtama ang mata namin, kaagad niyang pinatay ang tugtog at ang apoy sa kalan.
"Good morning!" he greeted and his eyes dropped to my blue satin pajama.
Mukhang maganda ang kanyang gising, siguro dahil ayos na sila ng kasintahan niya kagabi, mabuti naman kung gano'n.
Ayokong makakita ng broken hearted buong araw, baka sa akin pa niya ibunton ang galit niya sa mundo kung gano'n.
Hindi ko siya binati pabalik, dumiretsyo ako sa malaking ref na akalang mong aparador na sa laki para kumuha ng tubig. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang tingin hanggang nakainom ako, nang humarap ako ay hinuhubad na niya ang suot na apron at isinabit sa gilid habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Maybe he's afraid to me? Kaya siguro binabantayan niya ang galaw ko.
Wala ba siyang duty? Oh, I'm his new work nga pala!
Balak ko sanang libutin at ayusin ang bahay pero paano ko iyon magagawa kung nandito siya? Hindi naman siguro niya i-career ang pagbantay niya sa akin. Nakakailang 'yon.
"Hey, I said good morning." Tumango ako, natawa siya nang mahina dahil doon. "Woke up on the wrong side of the bed?"
Naghila siya ng upuan, naghila rin ako para sa akin at naupo roon.
Narinig ko ang malakas niyang buntonghininga.
"You should let me fix your seat," he mumbled.
"Kaya ko naman ho," sagot ko at pinanuod siyang maghain para sa amin.
Hindi ko alam kung tutulong ba ako o hahayaan siya, hindi bagay sa kanya ang mag-asikaso sa kusina.
Naningkit ang aking mata dahil pinakakaayos niya ang pagkakalagay ng mga kubyertos sa pinggan at ang dami ng tubig sa baso ay pantay rin na para bang natatakot siyang magkamali roon.
Hindi ba't babantayan niya ako, kung itrato niya ako ay akala ata niya ay maid ko siya.
"Finally! See, I did it! Love!" Nagulat pa ako nang pumalatak siya, na para bang ang tagal niyang prinactice ang ginawa niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Ficción GeneralTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...