Kabanata 9:
"Iyon lang naman na lahat ng sinabi niya, Jace. I don't know, is it because of her meds? I'm making sure she's taking all of her medications. Kailan kasi ang sunod na check up niya? Oh, next friday . . . okay then I'll inform her and also about the . . ." Napatitig ako sa pintuan ng kusina habang nakatayo sa gitna sa hagdanan, bukas ang ilaw roon at sigurado akong doon nang gagaling ang boses ni Alas.
Balak ko sanang uminom ng tubig pero naabutan ko siyang may kausap, imbes na dumeretsyo ay pinakinggan ko lahat ng pinag-uusapan nila.
Everything about me.
Hindi ko maiwasan maikuyom ang aking kamay habang pinapakinggan na madaling sabihin ni Alas ng sikreto at bagay na sinasabi ko sa kanya simula nang tumira ako rito hanggang kanina na sinabi ko ang sikreto ni Ate. I understand that's part of his job, but it made me feel betrayed.
Mapait akong napangiti saka dahan-dahang inihakbang ang mga paa paatras upang bumalik na sa kwarto.
Bakit ba kasi ako nagtitiwala sa panget na Pulis na 'yon?
Bakit ko ba nakakalimutan kung bakit kami magkasama, I'm part of his work.
Paniguradong lahat ng pinapakita at sinasabi niya ay para lang sa trabaho niya.
Dahan-dahan kong isinara ang pintuan ng aking kwarto saka napatitig sa portrait painting niya na ginawa at pinagpuyatan ko na nakapatong sa aking kama.
Plano ko sanang ibigay sa kanya mamaya bilang pagpapasalamat dahil sa mga kabutihan niya, sa pagtulong at pakikinig sa mga drama ko.
Bakit ba nakalimutan kong trabaho niya 'yon?
Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kama at kinuha nag portrait niya, pinunit ko iyon sa gitna saka tinapon sa basurahan sa gilid.
"I won't let my guard down, again Officer."
༻❁༺
"Masama ba pakiramdam mo? Huwag ka na lang sigurong pumasok," he commented the next morning.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at itinuloy ang pagkakape.
Hindi ko siya nilingon pa, nagkunwari akong abala sa kinakain pancake na gawa niya. Hindi ko alamkung natulog siya dahil nang bumaba ulit ako nang mag-alas sais ay nakaluto na siya habang may ginagawa sa laptop niya.
I saw him moved the plate of pancake to me.
"Kumain ka pa, uh . . . katulad pa rin ba kahapon 'yong uwi mo?" tanong niya kahit halata naman.
I can tell he's trying to start a conversation.
Mabilis kong inubos ang kape saka tumayo na, mukhang na bahala siya kaya tumayo rin siya. Lalabas sana ako ng kusina para maligo na nang walang kahirap-hirap siyang pumunta sa gawi ko at sinakop ang aking dadaanan upang hindi ako makadaan.
He groaned and grabbed my elbow as he barred my way.
"Love, did I say or do something that irritated you? Sorry na, uh . . . ano ba 'yon?" Naging mabagal ang mga huling salita niya.
"Bitawan mo ako, Officer."
"Ayos naman tayo kagabi hindi ba? Sabay pa tayong nag-dinner. What happened?" bakas ang pag-aalala sa kanyang mata at boses, gusto ko siyang palakpakan dahil doon.
Hinawi ko ang braso ko sa kanya.
"Pwede bang gawin mo na lang ang trabaho mo at gagawin ko dahilan bakit ako nasa labas."
He chuckled, halatang pilit iyon. Alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang paligid pero walang epekto, pakairamdam ko ay hindi ko siya pwedeng pagkatiwalaan na.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...