Kabanata 12

47.5K 2.3K 676
                                    

Kabanata 12:


I gently placed the lily flower on Ate Aryan's marble gravestone and caressed her name carved on her tombstone. Umayos ako sa aking pagkakaluhod sa harap ng kanyang lapida habang inaalis ang ilang dahon na nasa paligid nito.

"Kumusta, Ate?" Tumikhim ako upang pigilan ang pagnginig ng aking boses. "Ngayon lang kita nabisita sa bago mong puntod, nagtatampo ka ba?" mahinang wika ko.

Hindi ko alam kung naririnig ba niya ako, ni hindi ko nga sigurado kung may langit at impyerno. Pero sigurado akong kung may roon man, hindi kami magkakasama dahil makasalanan ako, doon ako ibaba panigurado.

"Ate, magpapakasal ako mamaya." I chuckled because of the word I used.

Alam kong wala akong makukuhang sagot sa kanya pero bago ko gawin ito ay gusto ko man lang sabihin sa kanya. "Alam kong pagagalitan mo ako kung nandito ka at sasabihin kung gaano kabaliw ang ginagawa ko pero may dahilan ako. Hindi ako papasok sa isang sitwasyon kung hindi ko pinag-isipan." Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga.

"I'm just giving him a bait, Ate. Don't worry, I can take care of myself and my feelings. Sigurado akong hindi ako mahuhulog kung ano man ang pinaplano niya."

Naikuyom ko ang aking palad sa aking tuhod, umihip ang malakas na hangin.

"He told me that he likes me, he proposed last night, he asked me to be his wife. Nakakatawa hindi ba? Nakakatatawa dahil masyado siyang halata, halos wala pang isang buwan simula nang magkasama kami pero inalok na niya ako at alam kong hindi 'yon nagkataon lang. I'm giving him what he craves. I'm playing with fire and getting ready to be burned. I'm prepared for the worst, Ate." My brows snapped together, trying not to cry.

Naglinga-linga ako sandali para pakalmahin ang sarili pero sa huli ay ibalik ko na lang ang tingin ko sa mga bulaklak.

Hindi ko siya nabisita sa lumipas na taon pero alaga pa rin ang lugar kung saan siya nakalibing. Hindi ako sigurado kung ang dati niyang asawa ang gumagawa no'n.

Umihip ulit ang malakas na hangin, sinikop ko ang aking buhok sa kabilang balikat upang pumirmi iyon doon.

"Alam mo ang daya mo, A-Ate? Ang daya-daya mo e." Tuluyan nanginig ang aking boses, dati ko pa itong gustong sabihin sa kanya pero wala akong pagkakataon. Ako mismo ang nag-alis ng pagkakataon na tanungin ito sa kanya nang patayin ko siya.

"Why did you choose Kuya T that time,  Ate? B-Bakit pinili mong masira tayo kaysa paniwalan ako? Bakit mas nagawa mong saktan ako para lang hindi ko sabihin sa kanya ang totoo? Bakit mo piniling maging mali para lang maging tama sa kanya huh?" Bahagyang tumaas ang boses ko.

Wala na akong pakielam kung may makarinig pa sa akin, pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi. Mainit iyon, para akong napaso sa sarili kong luha. Nag-init na rin ang sulok ng aking mata.

"K-Kapatid mo ako e, d-dapat hindi ba tayo ang nagtutulungan. D-Dapat tayo 'yong magkasama sa problema pero bakit no'ng dumating 'yong problema mas pinili mong sarilihin ha? I'm too young that time but I know! I know everything, Ate! Hindi ko makakalimutan kung paano ka kagalit sa akin dahil isusumbong kita, i-itatama kita!" mahina ngunit mariin sabi ko, nagbabakasaling kapah nasabi ko lahat ng ito ay gumaan ang bigat na nakadagan sa dibdib ko sa lumipas na taon.

Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang aking luha.

Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang mukha ni Ate nang sabihin ko sa kanyang sasabihin ko sa asawa niya ang totoo, na iba ang ama ng pinagbubuntis niya.

Nang gabing iyon ay nakita ko kung gaano siya kadesperado, desperado sa kumpletong pamilya na wala kami.

Masama ba ako kung inalis ko sa pamangkin kong nasa sinapupunan pa lang niya ang magkaruon ng kumpletong pamilya?

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon