Kabanata 25

51.1K 2.2K 4K
                                    

Warning: 🔞
Please read carefully.




Kabanata 25:

MAHIGPIT ang hawak ko sa lababo habang sumusuka, mariin akong napapikit bago magmumog. Sobrang sakit ng ulo ko, kumikirot. Pangatlong araw na 'to na nagigising ako na masama ang pakiramdam.

Pakiramdam ko ay magkakasakit ako, wala rin akong ganang kumain. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

Halos limang araw na simula ng huling usap namin ni Alas sa gilid ng dagat. Hindi kami nagsama sa kwarto pagkatapos no'n, siguro ay umiiwas din siya pero hindi na siya umalis, sumusunod siya sa akin na parang surot kahit saan ako magpunta.

Hindi ako makapaniwalang nakita ni Kevin si Lisa, rito sa Palawan. At sa susunod na linggo ay uuwi na ulit kami sa Pampanga.

Malaya na ako, tapos na ang pinirmahan kong kontrata.

Nanlalatang nag-ayos ako ng katawan, nagbihis lang ako ng pantalon at shirt. Hindi na ako naligo, ayokong maligo. Pagkalabas ko ng cabin ay kaagad akong napasimangot nang makita ang panget na mukha ni Alas, nag-aabang siya roon katulad ng mga nakaraan araw.

Tanginang mukha 'yan.

Mukhang surot na napipi.

Inirapan ko siya't nilagpasan, naramdaman ko kaagad ang pagsunod niya sa akin.

Inis na nilingon ko siya. "Pwede bang huwag kang maingay?"

His forehead puckered. "Love, hindi naman ako ano . . . n-nagsasalita."

"Oo nga pero 'yong paghinga mo at yabag ng paa mo, naiinis ako. Lumayo ka nga! Ang aga-aga ang panget mo e," sikmat ko saka siya nilagpasan, napamaang siya na sumunod sa akin.

Nang kumain kami ng umagahan ay nasa kabilang lamesa siya pumuwesto. Ayoko siya sa lamesa ko, nawawalan ako ng gana.

Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang paglingon-lingon niya. Nang lumingon ako sa kanya ay may kausap na siyang isang babae, tumatawa pa ang babae kaya naningkit ang aking mata.

Happy ka nyan?

Hinayaan ko sila saka nagpatuloy sa pagkain, madiin kong hinihiwa ang jumbo hotdog sa aking pinggan nang may umupo sa aking harapan na hindi pamilyar sa akin.

Isang lalaki na sa tingin ko'y guest sa isang hotel dito sa malapit.

"Hi. Pwede bang maupo rito?"

Tatanggihan ko sana siya pero naisip kong bakit si Alas pwede makipag-usap sa iba tapos ako hindi pwede? Hah! Friendly rin kaya ako.

"Sure," I said while smiling.

Kaagad din nawala ang ngiti ko dahil nangawit ang panga ko, tuluyan umupo ang lalaki. Matangkad siya't may itsura naman, mukhang mataggal na siya rito.

"I'm Jaren, and you are?" nangingiting tanong niya.

"Alice."

"Ah, nice name. Do you know the meaning of your name? It means truthful. You are noble kind," feeling close na sabi niya sabay tango.

"Ah, gano'n," sabi ko pero nakangiti, na para bang may nakakatuwa siyang sinabi.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong tumayo si Alas mula sa kanyang pagkakaupo.

Mas lumawak naman ang ngiti ni Jaren sa aking harapan.

"Hindi mo ako nakikilala? Ako 'yong kasama ni Lisa," sabi niya. Kumunot ang noo ko, ah yeah right. Siya nga 'yon.

"Nakilala na."

"Bakit hindi kayo magkasama no'ng lalaking laging nakasunod sa'yo?" buong kuryosidad na tanong niya, bahagya pa siyang dumukwang sa aming lamesa.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon