Kabanata 32:
NANG magising ako ay sobrang sakit ng aking ulo. Napatingin ako sa aking kamay, may benda na roon na nakakabit at ramdam ko pa rin ang sakit doon kapag ginagalaw ko.
Bigla kong naalala ang huling nangyari kaya napabalikwas ako ng upo at mas lalo akong naguluhan nang makitang hindi pamilyar ang kwarto sa akin.
Dahan-dahan akong umalis sa kama. Hinanap ko ang mga gamit ko pero wala iyon doon. Kinain ako ng kaba, kung ano-ano ang naisip ko.
Ano bang nangyari?
Mabilis akong lumabas sa kwarto, isang maliit na sala ang tumambad sa akin. Kahoy lang ang buong bahay pero malinis, may isang sofa na kahoy sa gilid at isang tv. Madilim na ang buong paligid, hindi ako sigurado kung ilang oras na akong nakatulog pero siguradong ginabi na ako.
Nagmamadali akong lumabas sa simpleng bahay, hindi ko alam kung mas dapat akong kabahan o makahinga ako nang maluwag nang makilala ang lalaking nasa dalampasigan.
Nakaupo roon habang nakatanaw sa payapang dagat at bilog na buwan.
Parang may sariling buhay ang aking paa na naglakad papalapit sa kanya. Huminto ako sa kanyang tabi at walang salitang naupo rin doon, alam kong nakita niya ako pero hindi siya nagsalita, nanaliti ang kanyang tingin sa buwan na tumatama ang liwanag sa payapang dagat.
Nasa Zambales pa rin kami, nasaan kami? Kaninong bahay 'yon?
Niyakap ko ang aking tuhod habang parehas kaming nakaharap sa dagat, tanging hampas ng alon lang aming naririnog, akala ko ay hindi siya magsasalita pero ilang sandali pa ay malakas siyang bumuntonghininga.
"Lagi mo ba 'yon ginagawa?" he asked weakly, I don't know but his tone seemed angry.
Dapat ay galit ako sa kanya, dapat ay sumbatan ko siya at sabihin kong dahil sa kanya iyon pero wala na akong lakas para gawin pa 'yon.
Nakakapagod manisi, nakakapagod humanap ng masisisi sa mga nangyayari.
Hindi ako nagsalita, mula sa gilid ng aking mata ay nilingon niya ako at taimtim na tinitigan. Hindi ko maiwasan noon, ganyan na ganyan din siya.
"Huwag muna ulit gagawin 'yon, pinag-alala mo ako," malumanay ngunit madiin ang bawat salita niya, animong hindi siya nagbibiro.
"I need it when I have my panic attack," mahinang sabi ko.
I need pain to calm.
"Just call your h-husband. I think he can help you calm?" patanong na sabi niya na parang hindi pa sigurado.
May sapat na distansya ang aming katawan pero ramdam ko ang init na galing sa kanya.
"Hm." Tumango ako saka inilibot ang paningin sa buong paligid kahit madilim, malayo ang katabing bahay kung saan ako galing, may mga kikita akong ilaw sa hindi kalayuan. "Nasaan tayo?"
"Nasa Zambales pa rin. Huwag kang mag-alala ibabalik kita," pagpapagaan ng loob niya sa akin.
"Bakit mo ako dinala rito?" Nag-iwas ako ng tingin, bahagya kong hinimas ang benda sa aking kamay.
Siguradong magagalit si Chen kapag nalaman 'to.
His mouth snapped shut. "Nahimatay ka kanina, dito kita dinala dahil alam kong kung doon kita iuuwi sa bahay niyo ay hindi na kita makakausap nang maayos. I want to talk to you, Alice. Alam ko naman hindi mo na hinihiling ang paliwanag ko pero gusto ko pa rin sabihin sa'yo, can you give this night to me? Kahit ngayon, sa akin ka muna pwede ba?" ramdam ko ang sakit sa kanyang boses, ang lalim ng kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...