Kabanata 8

49.4K 2.4K 1.1K
                                    

good evening, unedited. enjoy!

Kabanata 8:

RAMDAM ko ang paglingon-lingon ni Officer Alas sa aking gawi habang nagda-drive siya papunta sa jewelry shop kung saan ako papasok ng trabaho. Tutal ay pinayagan naman ako at isa pa, kailangan ko na rin ng pera. Naisip kong ayoko rin naman laging nakaasa sa binibigay ng institution sa akin.

Paano kung hindi na magbigay ang institution? Paano kung maubos na ang ibinigay raw ng bagong sponsor? Kailangan kong makaipon bago mangyari 'yon.

Hindi ko maiwasan marahan na tapikin ang aking paa sa sahig ng kotse habang hinihintay makarating sa shop, ang bagal niyang mag-drive ngayon. Hindi ko alam kung mabagal ba talaga o gustong-gusto ko na lang makalayo sa kanya.

Ilang araw na simula nang sabihin niyang gusto niya ako.

Officer Alastair likes me, he confessed as if it wasn't a big deal.

Pagkatapos niyang sabihin iyon noon ay umarte siyang walang nangyare, habang ako? Hindi ko maiwasan mag-isip kung bakit ako? Ako talaga?

Why would he be interested in me? I'm not thinking straight, and I'm crazy. I'm sure he's aware of it.

Isa pa ay hindi rin ako maganda at kasing sexy ng mga ibang babae, sigurado akong may mas higit na maganda na nagkakagusto sa kanya. Doon sa station nila, kapwa pulis? Wala ba?

And also, he's gay right?

I hate cheaters.

Hindi ko maiwasan magsalubong ang kilay habang nakatingin sa labas nang maalala ang sinabi niya ng gabing 'yon.

'I'm not pressuring you, Alice. I can wait.'

Wait? Wait for what?

Hindi ko maintindihan na kailangan pala ng sagot sa sinabi niya, kailangan ng tugon, ng kapalit.

Ang pagkagusto niya ay nangangailangan ng kapalit, dahil ako noon, ang pagkagusto ko sa isang tao ay walang kapalit. Ayos lang sa akin kahit walang katugon, basta nasabi ko.

"We're here." He announched then he cleared his throat.

He coolly parked his car near the jewelry shop. I removed my seatbelt, I saw him checking my small pouch. "I'll guard you from a far, hindi mo mahahalata na magbabantay ako. You can enjoy your work," marahan saad niya, tumango na lang ako.

How can I enjoy if I know someone is watching every move I make? Mas maganda sana kung hindi niya sabihin ang bagay na 'yan, mas makakatulong sa akin 'yon.

"Susunduin din kita pag-uwian niyo."

I glanced at him. "Hmm."

He pressed his lips together. "What about your uh, lunch? Nasabi ba sa'yo kung may libreng pagkain kayo mamaya? Message me if you don't like the food, huh? Do you have allergies? May malapit naman ata ritong karinderya, I can-"

"Ayos lang ako, bibili na lang ako ng pagkain ko mamaya." Inayos ko na ang suot kong puting shirt.

Pinatunog niya ang kanyang mga daliri, kinakabahan ba siya? Kung makaasta naman ay para akong kinder student na first time iiwan sa school.

Para siyang Tatay.

"Do you have extra money then? Magkano ba ang dala mo?" Kaagad niyang inilabas ang kanyang leather na pitaka, nanlaki ang mata ko nang maglahad siya sa akin ng limang libo.

Five thousand for lunch?

Kaagad akong umiling, hindi ko inabot iyon. Nang magtama ang mata namin ay napabuntonghinga siya dahil hindi ko talaga iyon tatanggapin. Sa huli ay itinabi na lang niya iyon sa kanyang wallet.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon