Kabanata 7

49.5K 2.5K 1.1K
                                    


Kabanata 7:

I forgot everything. I forgot about Sascha, the woman I fantasize, who is outside the car. Nakalimutan ko na kung ano bang pinagtatalunan namin, hindi ako makahinga. Mas naikuyom ko ang aking kamao nang bahagya niyang kagatin at sipsipin ang aking ibabang labi, na sa tingin ko'y magmamarka, dilat na dilat ako sa sobrang gulat.

Halos maduling na ako sa sobrang lapit namin. Kitang-kita ko ang mahaba at nakatikwas niyang pilik-mata habang nakapikit siya.

Para akong nakuryente sa ginawa niya, wala akong pandidiri o takot na naramdaman kahit pa mahigpit ang hawak niya sa aking batok at mas dinidiin ang labi ko sa kanya.

Wala akong maramdaman kung hindi kaba na hindi ko alam kung para saan.

Humigpit ang hawak niya sa aking batok, suminghap ako at humugot ng buong lakas upang itaas ang isa sa nakakuyom kong kamay sa ibabaw ng kanyang hita.

Hinawakan ko rin ang kanyang batok at diniin din palapit sa akin, Alas whimpered against my lips because of what I did.

I opened my mouth for him, Alas groaned and tried to insert his tongue into my mouth. I took a deep breath when I tasted him inside of me.

I closed my eyes, I bit his tongue and punched his manhood.

Malakas siyang napamura at napahiwalay sa akin, bahagya pa siyang nauntog sa salamin ng bintana ng kotse sa biglang atras niya.

Halatang hindi inaasahan ang ginawa ko.

Shit!

Sapo-sapo niya ang bibig gamit ng isang kamay at pagkalalaki gamit ang isa pa at bahagyang hinihilot iyon.

Halos mamilipit siya sa sakit habang sunod-sunod ang mahihinang mura, unti-unting pumula ang kanyang leeg at tainga.

"Alice!" daing niya na pasigaw, pumungay ang mata saka mariin pumikit.

Umawang ang labi ko sa gulat, sa ginawa niya at ginawa ko rin.

"Sinisigawan mo ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"A-Alice," daing niya ulit pero mas mahina na ang boses, halos pabulong na lang.

Kumapit siya sa manubela ng kanyang kotse at doon dumaing, hindi ako nagsalita pero sobrang bilis ng tibok ng aking dibdib.

His gripped tightened, pinanuod ko siyang bahagyang iuntog ang noo niya sa manibela para bang natatanggal no'n ang sakit na ginawa ko.

"I-Ikaw kasi! Bakit ka nanghahalik?! A-Alam mo bang pwede kitang kasuhan diyan!" inis na sabi ko saka umayos ng upo.

Nag-iwas ako nang tingin sa kanya nang lumingon siya sa aking gawi.

Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya, naabutan ko siyang matalim ang tingin sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mata kaya nag-iwas na lang siya ng tingin.

"Pwede mo naman sabihin stop," bulong pa niya bago suminghap, umayos na siya ng upo at isinandal ang ulo sa sandalan. "You opened your mouth, I thought you want it so -" Hindi niya natuloy ang sasabihin, nakita kong pinaglaruan niya ang dila sa loob ng kanyang bibig.

Pakiramdam ko ay hinang-hina siya, parang naubos ang buong lakas niya. Gano'n ba talaga kasakit 'yon?

"P-Paano ko sasabihin? Punong-puno ang bibig ko s-saka bakit ikaw lang ba nasaktan? Nasaktan din ako. Ang tigas no'ng ano mo, sumakit kamay ko!" balik na sabi ko.

I expected him to fight, but instead he broke out laughing.

Nababaliw na rin ata siya, kanina galit tapos ngayon natatawa. Ilang gramo ba ang nahithit niya ngayon araw at ganyan siya?

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon