Kabanata 18:
ISANG LINGGO ang lumipas pagkatapos ng araw na 'yon. Mabilis lumipas ang araw at kahapon lang ay nakausap ko si Dr. Morelli at may ibinalita sa akin, kailangan kong um-attend ng mga tour sa ibang lugar bago matapos ang tatlong buwan ko.
Kailangan kong gawin ang mga iyon upang makompleto ko ang requirements nila bago ako tuluyan i-release.
I need to leave my work to go to Palawan.
Hindi ko alam na may ganito ang institution. It's as if they're allowing the patient to explore new places, new people, and new environments. Lalo na raw sa katulad kong ilang taon nanatili sa loob.
Kaharap ko si Samy na madramang umiiyak, kakatapos ko lang sabihin sa kanya na ito na ang huling araw ko dahil sa Lunes ang alis namin at hindi ko alam kung ilang linggo kami roon.
"Bakit naman biglaan, Ate Alice? Kung kailan nasanay na kaming nandito ka tapos bigla kang aalis!" Himutok niya, tipid akong napangiti nang makitang nangilid ang kanyang luha.
Sinabi ko sa kanilang dalawa ni Tonyo ang dahilan ng aking pag-alis at inaasahan kong magagalit sila o katulad ng iba ay katatakutan ako, kukutyain dahil sa aking nakaraan pero hindi nila ginawa iyon bagkus ay ipinaramdam nila sa akin na walang nagbago, ako pa rin ang Ate Alice nila na lagi silang sinusungitan.
Napalingon ako kay Tonyo na nakanguso sa gilid, nagtatampo na naman ang payatot.
Natatawang tinapik ko ang balikat ni Samy.
"Pasensya na kung biglaan, Samy. Kakasabi lang din kasi sa akin kahapon at kahit ayoko man umalis kaagad ay kailangan dahil kasama 'to sa mga requirements nila. I know you'll understand me." Tipid akong ngumiti saka tumingin kay Tonyo. "Take care of our shop huh, Tonyo?"
Kinagat niya ang ibabang labi saka nag-iwas tingin, kakamot-kamot pa siya sa kanyang batok.
Mas natawa ako nang hindi nakapagpigil si Samy at mahigpit akong niyakap. Tinapik ko ang balikat niya habang nakatingin kay Tonyo, bakas kong malungkot din siya.
Nang magtama ang aming mata ay inilahad ko ang aking kamay kaya mabilis siyang lumapit at mahigpit kaming niyakap.
Natatawang tinapik ko ang mga likod nila, pakiramdam ko ay maiiyak ako kaya idinaan ko na lang sa pagtawa.
Mas lumakas ang hagulgol ni Samy, pakiramdam ko tuloy ay hindi na ako babalik sa lakas ng iyak niya, si Tonyo naman ay sumisinghot-singhot na.
"Papakabait kayong dalawa, kapag tuluyan na akong naging maayos ay bibisitahin ko kayo."
"Ate Alice naman!" Si Tonyo, humiwalay na ng yakap sa amin.
"So you're finally calling me Ate huh?"
Hindi siya sumagot, suminghot siya kaya natawa ako. Ginulo ko ang buhok ni Samy.
I'm wishing the best for their business.
Tipid lang akong ngumiti, kahit hindi ko man sabihin dalawa sa kanila ay tinuring ko na silang para kong mga nakakabatang kapatid. Kahit sa ilang buwan lang namin pagsasama-sama ay naging mahalaga sila sa akin.
Mamimiss ko 'yong tawanan nilang dalawa, 'yong pagkain namin tatlo nang sabay-sabay tuwing lunch. Yung paghintay nila sa sundo ko tuwing hapon bago sila umalis, 'yong pagtawag ng Ate sa akin.
"Done?" bungad sa akin ni Alas nang makasakay ako sa kanyang kotse.
Malungkot akong tumango, ipinahinga niya ang palad sa ibabaw ng aking hita.
"They'll understand, Love. Bisitahin na lang natin sila sa susunod, 'kay? We can visit them anytime, isipin mo na lang na pagkatapos nito ay magagawa mo na ang gusto mo. You can visit your friend freely," mahabang sabi niya sa paos na boses.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...