Warning: This chapter contain matured scenes. If you're uncomfortable, skip. 🔞
Kabanata 22:
MALAKAS na tumama ang palad ni Ate Aryan sa aking kanan pisngi, lumagapak iyon at halos matumba ako sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Nanginginig ang kanyang kamay habang matalim ang tingin sa akin. Hindi ako makapaniwalang napalingon sa kanya, wala akong makitang pagsisisi sa kanyang mukha.
Ang taong iniisip kong pagtatanggol sa akin, ang tao rin nananakit sa akin.
"Huwag kang makielam Alice! Ilang beses kong sinasabi sa'yo labas ka issue na 'to! Anong karapatan mo pakielaman ha?!" sigaw niya.
Nangingilid ang luha ko pero mabilis ko iyon pinunasan, natatakot na kapag tuluyan tumulo ang luha ko ay hindi na iyon titigil.
Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ni Ate? Tama naman ako, tamang sabihin kay Kuya Travis na hindi siya ang ama ng namatay nilang anak. Bakit niya ako pinipigilan? Anong gustong niya, ang ikulong si Kuya sa alaala ng umaong anak na hindi naman talaga sa kanya?
Inaalog-alog ako ni Ate sa may balikat, higit na matangkad siya sa akin kaya halos humampas ako sa pader.
"A-Ate bitawan mo ako, nasasaktan ako. Ano bang nangyayari sa'yo?! Ha? Hindi ka naman ganito? Kuya Travis is devasted!"
"At ako hindi? Ako ang kapatid mo Alice, dapat ako ang kinakampihan mo! I lost my baby too!" Halos lumitaw na ang ugat sa kanyang leeg. "Hindi ba galit ka sa kanya noon? Hindi ba't sinisiraan mo siya sa akin?! Na ginawan ka niya ng masama, bakit ngayon pinagtatanggol mo siya? Bakit gusto mo sa kanyang sabihin ha?!"
Pilit kong binabawi sa kanya ang aking braso, bumabaon na ang kanyang kuko sa akin.
"A-Ate! Oo galit ako, p-pero iba 'to! Iba 'yong pagkamuhi ko sa issue na 'to! Your unborn child is not Kuya Travis' child! I heard you! May kausap ka!" sigaw ko pabalik.
"Ang sabihin mo nagustuhan mo ang ginawa niya sa'yo! Ano, hinahanap-hanap ng katawan mo ha?! Kaya mo gustong sabihin kay Travis na hindi niya anak ang nawala kong anak kasi naiinggit ka! Kasi gusto mo ikaw!"
Marahas akong umiling, sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Unti-unting sumasaksak sa dibdib ko ang mga salitang binitawan niya.
Gano'n ba ang tingin niya sa akin? Na ginusto ko 'yon?
"N-Naririnig mo ba ang sarili mo A-Ate? I'm just thirteen, how c-could you say that words to your sister? Ate naman! Magkasama tayong lumaki, ikaw lang ang mayroon ako!" Hindi ko alam kung paano ko nagagawang sabihin ang lahat ng iyon sa kanya.
Nang sabihin ko sa kanya rati na pinagtangkaan ako ni Kuya T ay hindi siya naniwala at ngayon ay gagamitin niya iyon dahilan?
Sinapo ni Ate ang mukha ko, tumutulo ang kanyang luha.
"Kaya nga! Tayo lang ang magkakampi kaya hindi mo ako pwedeng traydorin, Alice. Hindi ba mahal mo si Ate? You'll keep Ate's secret right? Itatago natin, walang makakaalam hanggat makabuo ulit kami ni Travis ng anak, makakalimutan niya 'yong nawala namin anak at magliligtas tayong pareho sa—"
Buong lakas ko siyang tinulak. Nakalmot niya ako, nasapo ko ang aking leeg dahil sa kalmot niya.
"S-Sabihin mo 'yong totoo, kung ayaw mong ako ang magsabi Ate."
"Alice!!"
Hindi ko siya pinakinggan, mabilis akong nagtatakbo pababa ng hagdanan narinig ko pang tinawag niya ang aking pangalan ngunit hindi na ako lumingon.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata, hingal na hingal ako dahil sa panaginip. Panaginip na kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...