Kabanata 31

41.8K 2K 842
                                    

Kabanata 31:

Hindi ako naniniwala na isang beses lang pwedeng magmahal ang tao, na isang beses lang titibok ang puso, na hindi mo kayang lagpasan 'yong pagmamahal mo sa nauna, na mananatiling tumitibok ang puso mo para sa isa.

Minahal ko si Alas sa gitna ng sakit, habang si Chen, minahal ko siya pagkatapos ng sakit na mga naranasan ko.

Ginamit?

Alam kong iyon ang sasabihin ng ibang makakarinig ng aming kwento, kung sakaling malaman ng iba ang pinagdaanan ko ay baka isipin nilang duwag ako para gumamit ng iba.

Pero hindi ba'y pagiging matapang ang buksan ulit ang sarili sa iba, ang magtiwala sa kabila ng ginawa nila at magmahal muli kahit durog na durog na?

Yakap-yakap ko ang unan ni Chendler habang nakaupo sa aming kama. Mainit ang comforter na nakapaikot sa akin pero kulang, may kulang dahil wala sila.

Iniisip ko ang mga nangyari at nakita kanina, may picture ako sa wallet ni Alas, sobrang tagal na no'n kaya hindi ko maiwasan mapag-isip kung bakit nakatabi pa rin iyon sa kanya. Kung talagang kinakamuhian niya ako'y hindi ba dapat ay lahat ng tungkol sa akin ay alisin na niya.

Pagkatapos no'n kanina ay hindi ako nagsalita, hindi ko siya tinanong at nagkunwari akong walang nakita hanggang makauwi sa bahay ay nagkulong na ako sa kwarto. Hindi ko alam kung nasa ibaba ba siya.

Kanina pa tumatawag si Chen pero hindi ko sinasagot. Nakokonsensya ako dahil naglilihim ako sa kanya.

Alam kong malaki rin ang sinakripisyo niya para sa akin at mga bata lalo't noong una ay hindi kami tanggap ng pamilya niya lalo na sa side ng Papa niya.

Pinaglaban niya kami kahit pa sinasabi nilang ang chinese ay para sa chinese. Chendler fought for us. Kahit nagalit ang Lola niya noon ay hindi siya nakinig sa mga komento nito.

Una dahil binata si Chen, mayaman. Siguradong marami pa siyang makukuhang babae na walang sabit sabi nila, hindi katulad ko na walang pinagkakilanlan.

Walang pamilya, walang pinag-aralan, may anak, maduming babae, baliw.

Ang sabi niya ay hindi niya kailangan mamili dahil wala naman kompetensya. Ako ang nag-iisa, hindi ko kailangan makipagkumpara sa iba.

Nang mag-ring ulit ang telepono ay sinagot ko na iyon, malakas akong napabuntonghininga.

"Fuck." Narinig kong mura niya. "Hello, Hon? Ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawagan, may problema ba tayo?" tanong niya kaagad.

Tumulo ang luha ko, mas hinigpitan ang yakap sa kanyang unan. Gusto kong nandito siya, sana nandito sila ng mga bata, edi kahit papaano ay hindi ako ganito kalungkot.

"Miss na kita," bulong ko.

Sandaling natahimik sa kabilang linya. Nakarinig ako ng kaunting kalabog na parang may nahulog bago siya tumikhim. "Uuwi na ako, mahal?" paos na tanong niya.

Mabilis akong tumango pero iba ang sinabi ko. "Hindi na, ayos lang. Namimiss ko lang siguro kayo ng mga bata."

"I miss you too, Hon. Kumain ka na ba? Kumain ka na muna bago matulog ha."

"Oo, ikaw rin."

"Hmm, mamaya rarating 'yong pagkain namin. Nasa hotel na kami," sabi niya, hindi na ako nakapagsalita. "Kumusta naman kanina? Binabantay ka ba ni Alastair?"

Natigilan ako sa kanyang tanong, mas nakunsensya ako.

"Ano . . . Chen may sasabihin ako. Si—"

'Mr. Tan, pinapatawag po kayo sa lobby. Nandiyan daw po 'yong representative ng Al Rockbuilt Incorporated.' Narinig kong salita ng isang lalaki sa background.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon