Kabanata 27

41.7K 2.3K 1.8K
                                    

Kabanata 27:

INILAPAG ko ang bulalak na aking hawak sa bato sa aking harapan. Walang pangalan, walang date na nakasulat at tanging isang malaking pabilog na bato lang sa ibabaw ng lupa, napapalibutan ng mga damo at maliliit na ligaw na bulaklak.

Tipid akong napangiti saka lumuhod upang linisin ang paligid ng kanyang munting libingan.

"Aalis muna si Mama, kaya baka hindi kita m-mabisita ng ilang buwan. Kailangan pumunta ni Mama sa Manila para tumulong sa mga taong kumupkop sa akin, oras na para ako naman ang magbalik sa kanila," mahinang bulong ko, alam kong maririnig niya ako.

Kahit pala halos limang taon na ang nakakalipas ay masakit pa rin. 'Yong sakit na kahit siguro lumipas ang ilang taon ay dadalhin ko pa rin.

Nasa gano'n akong posisyon nang may nag-abot ng panyo sa akin, hindi ko na kinailangan pang lumingon para makita si Chen. Lumuhod din siya katulad ko at tahimik na hinayaan akong umiyak sa harap ng nawala kong anak.

Ni hindi man lang naisilang.

"Sigurado ka na ba na sasama ka sa akin sa Zambales? Ayos lang naman kung maiwan ka rito sa Pampanga. Uuwi na lang ako kada linggo para hindi ka malungkot," sabi niya pagkalipas ng ilang sandali saka hinawakan ang aking kamay.

Tipid akong ngumiti, alam kong nag-aalala pero sobra na ang mga naitulong niya.

Chendler Ruis Tan, the only child of Tan. Owner of jewelries production.

Hindi ko lubos maisip na gano'n kaliit ang mundong ginagalawan namin para magkita ulit kami ni Chen dito sa Palawan dahil ang huling kita namin ay sa shop nila Samy.

Nang gabing iyon ay halos hindi ko na maalala kung paano ako tumakbo para iligtas ang sarili ko, para humingi ng tulog basta ang alam ko ay tumakbo ako nang tumakbo hanggang mawalan ako ng malay. Nagkataon na sa farm ng mais ako ng mga Tan nakapunta paglabas ng masukal na kagubatan, ilang magsasaka ang nakakita sa akin at ibinalita sa mag-asawang Tan ang nangyari pero nasa Manila sila kaya ang mayordoma ang talagang kumupkop sa akin.

Halos dalawang buwan akong hindi makausap, kumakain at natutulog depende sa sasabihin sa akin. Inalagaan ako ng mayordoma hanggang makauwi ang mag-asawang Tan, kasama ang anak nilang lalaki.

Hindi ko halos matandaan ang tagpong iyon.

Ang sabi ni Chen ay madalang siyang umuwi ng Palawan kung saan talaga siya lumaki dahil nasa Manila na ang kanilang negosyo ng mga alahas at bilang nag-iisang anak ay hands down siya sa negosyo nila.

Sobrang liit nga ng mundo, na ang dating nagde-deliver kila Samy ng mga jewelries na halos iwasan ko ay ang lalaking anak ng may-ari ng bahay ng kumupkop sa akin.

Gusto ko sanang umalis no'n kila Chen nang bumalik na ang lakas ko pero hindi na niya hinayaan pa lalo't nagbubuntis ako.

"Mama!" Napabaling ako sa sumigaw, tumatakbo ang dalawa kong anak na lalaki na apat na taon kasama si Dan na halos madapa kakaalalay sa kanila.

Natatawang naglahad ako ng kamay sa kambal ko.

My babies.

Mas masaya sana ako kung nabuhay pa ang isa nilang kapatid, mas kumpleto sana kung hindi nawala ang isa sa triplets ko.

Hinimas ko ang likod ng kambal, my Aster and Atticus.

"Mama, Tito Dan told me that we will go with Dada?" tanong ni At.

Tumango ako saka hinimas ang bangs niya, iyon lang ang palatandaan sa kanila ng iba lalo't magkamukang-magkamuka sila. Si Atticus ay pababa ang buhok habang nakataas naman ang kay Aster.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon