Kabanata 6:
Napahiwalay ako sa lalaking yumakap sa akin nang malakas na hinila ako ni Alas, kaagad siyang pumagitna at inilagay ako sa kanyang likuran upang itago sa lalaking hindi pamilyar sa akin. My face heated up with surprise, I don't know what to react.
Do I know him?
Bumakod ang malapad na balikat ni Alas, kayang-kaya niyang takpan sa aking paningin ang lalaki sa aming harapan.
I peeked slightly and saw them battling with a sharp glare. Like, they can talk to each other through their eyes.
Sinubukan kong alalahanin kung saan ko nakita ang lalaking yumakap sa akin pero hindi ko matandaan, hindi naman siya pamilyar sa akin, hindi ko naman siya kilala.
Pinasadahan ko ang suot niyang Police uniform, hindi sila magkatulad ng pangangatawan ng nobyo ni Alas.
Medyo kayumanggi ang lalaking 'to, parang hindi naman siya 'yon, sino ba 'to? At ano raw, miss na niya ako?
"P-Paano nangyari 'to, Alas? P-Paanong—"
Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin nang kaladkarin siya ni Alas palabas ng office, susunod sana ako pero pumasok ang isang pulis na babae na sa tingin ko'y mas bata sa akin.
Kaagad niyang isinarado ang pintuan at humarang nang makitang lalabas din ako, kumunot ang aking noo dahil sa kanyang ginawa lalo na nang idipa niya ang kamay.
"Palabasin mo ako, Miss," mahina ngunit madiin na sabi ko.
Baka mamaya magsuntukan ang dalawang 'yon, hindi naman siguro?
Eh, ano rin naman pakielam ko? Wala naman.
Marahas siyang umiling. "H-Hindi ho, pwede. K-Kabilin-bilinan po ni Lieutenant Dela Torre na huwag po kayong palabasin at pasunurin sa kanila, ako po ang malilintikan sa asawa n-niyo po kung h-hindi kayo susunod Ma'am, p-pasensya na po napag-utusan lang ako," mahabang paliwanag niya.
Bakas ang takot sa kanyang mukha kaya naningkit ang aking mata.
Sa hinaba-haba ng mga sinabi niya ay tumuon ang atensyon ko sa isang salita.
Asawa...
I hate that word.
Nang dahil sa salitang 'yon ay ang daming nangyari sa akin, nawala si Ate, nawala ang mga kaibigan ko.
"Hindi ko siya asawa," sabi ko na may kasama pang pag-iling.
Sandali niya akong tinitigan, umawang ang labi niya pero sa huli ay itinikom na lang ang bibig saka marahan tumango sa akin.
Pinagkrus ko ang aking mga braso sa harap ng dibdib habang nakatingin sa kanya, neat na neat ang kanyang buhok habang matindig ang tayo. She had no intention of letting me go.
Anong gusto niya? Magtinginan lang kami rito?
Sandali ko pa siya tinitigan, nag-iwas lamang siya ng tingin, inabala niya ang mga mata sa kisame habang pumipito. Sa huli ay umupo na lang ako sa sofa at naghintay sa pagbalik ni Officer Alas.
Anong klaseng bantay 'yon? Iniiwan ang binabantayan.
Humalukipkip ako roon, ilang minuto pa bago may kumatok ng dalawang beses at bumukas ang pintuan. Gumilid ang babae para tuluyan makapasok sa loob si Alas, blanko ang aking mukha nang pumasok siya.
Iginala niya ang mata sa loob ng office niya animong may hinahanp, nang magtama ang aming mata ay sumimangot ako.
Wala naman siyang galos kaya hindi naman siguro sila nagsuntukan sa labas.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...