Kabanata 5

53K 2.6K 930
                                    

Kabanata 5:

Dalawang linggo na ang nakaraan simula nang kumain kami sa rooftop ni Officer Dela Torre-Oh yeah, Alas. Ayaw niyang tinatawag ko siyang gano'n, minsan pa ay hindi talaga siya lilingon at sasagot kung apelido ko siya tatawagin.

Sa lumipas na linggo ay naging mailap ako sa kanya, hindi ko nagustuhan ang pag-iyak ko sa kanyang harapan.

Siguro nga ay naging emosyonal ako noon lalo't kakalabas ko pa lang at nagkasabay-sabay ang mga iniisip ko.

I don't want him to see me as vulnerable, not stable woman.

Hanggat maaari ay iniiwasan ko siya sa mga araw na natili ako sa loob ng kanyang bahay.

Kung minsan ay kumakain kami sa labas, nasundan pa iyon ng ilang beses pero lagi na akong tahimik habang siya naman ay puro tungkol sa trabaho ang kinukwento.

I feel so drained, nakakapanibago dahil hindi naman na ako sanay sa labas, kung minsan ay pakiramdam ko ay napa-paranoid ako dahil sa dami ng tao, baka masaktan ko sila, baka may nakakakilala sa akin mula sa dati kong paaralan.

May mga gabing umaalis siya at bumabalik ng alas tres ng umaga, hindi na ako nagtatanong pa kung saan siya pumupunta pero walang gabi na hindi iyon nangyari kaya kinakain din ako ng aking kuryosidad.

Maybe because of his work?

May duty siguro sa gabi o baka nakikipagtagpo sa kasintahan niya, hindi kaya 'yon nagseselos dahil may kasama ang boyfriend niya na babae, sabagay . . . kahit siguro mag-tambling ako na naka-hubo't hubad ay balewala rin sa kanya, kaya siguro ayos lang sa kanyang tumira ako sa kanyang bahay.

Nakakapagtaka lang na iniiwan niya ako sa gano'n oras, hindi ba siya natatakot na tumakas ako? O baka naman may mga hidden camera sa kwarto ko?

Hinilot ko ang aking sentido dahil sa naisip habang naglalakad sa gilid ng kalsada, maaga akong umalis sa kanyang bahay dahil hindi ako makatulog.

Hindi ko alam kung narinig niya akong umalis o nakasaunod siya, wala naman akong balak tumakas o ano man. Gusto ko lang maglakad-lakad, naubos na ata lahat ng linisin sa bahay niya. Tuwing maaga akong bumabangon ay halos baliktarin ko na ang kanyang bahay para lang may magawa ako, because if I do nothing, I will dwell on bad thoughts.

Habang naglalakad ay may mangilan-ngilan na rin na tao, mga nagjo-jogging at nagtitinda sa gilid ng kalsada. Bahagyang tumabingi ang aking ulo nang matanaw ang babaeng lilinga-linga sa paligid.

Naagaw ang atensyon ko dahil sa hawak niyang mahabang tinapay na kinukurot-kurot niya.

Where did she get that? Gusto kong mag-uwi, kaso wala pala akong pera.

Pagpapatuloy na sana ako sa paglakad at babalik na lang sa bahay ng magtama ang mata namin ng babae, kumunot ang noo niya nang mapansin bumaba ang tingin ko sa tinapay na hawak niya. Halos mapaatras ako sa gulat nang lumapit siya sa akin saka malawak na ngumiti.

"Hi! Gusto mo, mare?" alok niya na para bang kakilala niya ako.

Umiling ako saka akmang lalagpasan siya nang humarang siya. Pinantayan ko ang tingin niya, kung budol siya ay wala naman siyang makukuha sa akin, wala akong ibang dala kung hindi sama ng loob.

Mag-aalok ba siya ng sim card na may load na o baka naman mga halaman?

"Tiga rito ka ba?" tanong niya, tinitigan ko ang kanyang mata at wala akong makitang sa titig niya, talagang curious siya o magaling siyang magtago?

Hindi ako sumagot, pinasadahan ko siya ng tingin.

Maayos naman ang kanyang pananamit, matambok ang kanyang pisngi.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon