📌 Note: This story contains sensitive topic; mature content, mental issues, sexual, blood/killing and depression. Characters are flawed. You'll encounter red flags both characters, if you're not comfortable with the above content, skip this story. Save yourself.
Kabanata 1:
Today is my twenty seventh birthday.
Gusto ko sanang batiin ang sarili ko pero parang napaka walang puso ko naman kung magsasaya ako sa araw rin ng kamamatayan ng kapatid ko, Ate Aryan.
I can't celebrate my birthday, I can't act happy again since she died fourteen years ago on my birthday, I killed her.
Ate taught me lots of things, tinuruan ako ni Ate kung paano alagaan ang sarili ko bilang babae. Kung gaano kadelikado makihalubilo sa ibang tao kahit pa sabihin na kaibigan ko, dahil dadating daw ang panahon na tatalikuran ako ng mga tinuturing kong kaibigan kaya sarili ko lang ang pagkakatiwalaan ko.
Nang pumanaw ang magulang namin sa edad kong siyam ay kaming dalawa na lang ang natirang magkasama kaya nasanay akong kami lang, pero nagbago iyon nang tumuntong ako ng labing-tatlo.
My sister met a man, her classmate got her pregnant and they got married.
After several months, I informed Ate that her husband touched me while inebriated, but she refused to believe me. She stated that even if Kuya T was drunken, he couldn't do such things to me, but he did. I know. He touched me in my private area, I was still a teenager at the time, and I was terrified since he was so strong.
He ruined everything, my sister changed because of him.
That's why I hate him, I hate men.
They are too strong, they are good in pretending. 'Yong akala mong sobrang bait pero may tinatagong kagaguhan kaya kahit lumipas ang panahon, may galit pa rin ako.
Hindi naniniwala si Ate noon, sinasabi niyang sinisiraan ko ang asawa niya. Na hindi iyon magagawa ng lalaking iyon kaya nabalot ako ng galit.
Mas matagal niya akong kilala, alam niyang hindi ako magsisinungaling tungkol sa bagay na iyon pero walang nakinig sa akin.
Ang mas nakakagalit ay umaarte siyang walang ginawa sa akin pagkatapos ng gabing iyon, na para bang napaka linis niyang tao.
Natakot akong iwan ni Ate, natakot akong mawala siya sa akin at maiwan akong mag-isa pero ako pala mismo ang gagawa ng bagay na kinakatakutan ko.
Nawala siya sa kagagawan ko.
I kept my mouth shut, I made him suffer too.
Ang hirap pala ng walang masabihan, ang hirap maging masama para sa ikakabuti ng iba. Nakakapagod.
I opened my eyes and roamed my gaze around my room. There's a single bed, small table, chair and a toilet bowl.
Sa lumipas na halos anim na taon ay ito na ang naging tahanan ko, saksi ang apat na sulok ng kwartong ito sa bawat pag-iyak ko, bagay na hindi ko magawa sa harap ng ibang tao.
Umalis na lang ang mga nakasabay kong pumasok sa institusyon na ito pero ako ay nandito pa rin.
Siguro nga ay wala na akong pag-asa pang makalabas.
Hindi ko alam kung bumubuti ba ako pero ang sabi ng Doctor ay mas naging maayos ako kaysa noong nakaraan taon na halos hindi ako makausap kahit bisitahin ako ng mga kaibigan ko.
Kaibigan.
Hindi ko alam kung deserve ko pa bang tawagin gano'n dahil alam kong nasaktan ko sila, pero wala akong pinagsisisihan dahil deserve nilang malaman ang totoo.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...