Kabanata 28:
"Pakilagay na lang dito 'yong tatlong box, tapos siguraduhin may air cushion 'yong mga ihahatid sa Makati, requested nila iyan," sabi ko sa dalawang trabahador na lalaki na siyang nagbababa ng mga dumating na stocks ngayon araw.
Halos tatlong araw pa lang simula nang dumating kami sa Zambales at sobra ngang daming gagawin dito.
Mabuti na lang at sa halos limang taon kong kasama ang mga Tan ay alam ko na rin ang kalakalan nila lalo't nagtrabaho rin naman ako sa jewelry shop no'n.
Inayos ko ang suot kong wayfarer, napalingon ako nang may nag-abot sa akin ng buko juice.
He pressed the cold plastic to my cheek.
I smiled at Chendler, kaagad kong pinunasan ang kanyang noo na may pawis, bahagya pa siyang yumuko upang maabot ko iyon.
Tumulong siya sa pagbubuhat ng ibang box kaya pawis na pawis, sinabi ko ng huwag na pero makulit.
Sa tagal kong kasama siya, isa lang ang nalaman ko. Hindi sila katulad ng ibang mayayaman na unang tingin pa lang ay mayaman na at umuulan ng mga mamahalin ang suot. Siguro talagang gano'n ang ginagawa nila para iwas din sa disgrasya, hindi takaw tingin lalo na sa business na mayroon sila. Simple lang sila manamit, tumutulong sa mga trabahador at walang alahas na suot kahit iyon pa ang negosyo nila.
Kaya nga hindi ako makapaniwalang may hacienda sila sa Palawan.
Hindi halata sa kanila.
"Hon, sabi nga pala nila Mama na baka pwedeng kunin muna nila sila Atticus at Aster, gustong isama nila Mama sa Pampanga," imporma niya sa akin.
Napahilot ako ng batok, hindi pa ako nakakapagdesisyon para sa bagay na iyan kahit nabanggit na rin sa akin ni Papa at Mama na gusto nilang ipasyal ang mga apo.
May isang bagay akong naiisip at ayokong mangyari iyon. Hindi pwede, hindi ako papayag.
I know it's impossible but Pampanga isn't big enough for that not to happen.
"I'll think about it, Chen," I said.
He nodded, he caressed my back. "Mas mabuti iyon hindi ba lalo't may tinatapos tayo rito? Hindi rin natin sila mababantay palagi, at least kapag nakila Mama ay mas kampante tayo na maaalalagaan sila. 'Yon pa ba, spoiled no'n ang mga apo," natatawang sabi niya.
Napangisi ako.
Tama siya, lalo ngayon madami kaming ginagawa ni Chen ay hindi naman namin pwedeng isama ang bata kaya naiiwan lang sila sa bahay kasama ang nag-aalaga sa kanila.
"Sige, kakausapin ko sila mamaya."
Hindi ko alam kung kaya ko bang malayo ng ilang linggo sa mga bata. Simula no'n ay magkakasama kami, kung hindi man magkikita ay ilang oras lang at kapag uuwi ako ay sila ang dadatnan ko kaya paniguradong maninibago ako.
I'll miss my babies.
Tumango siya, may sasabihin pa sana siya pero tumunog na ang kanyang telepono. Sumenyas si Chen sa akin na sandali lang saka sinagot ang tawag at bahagyang lumayo.
Inabala ko ang aking sarili sa pagsipat ng mga perlas na dadalhin sa factory mamayang hapon upang gawin singsing. Mas mahal ito panigurado, sana lang ay walang mabasag sa shipment.
Doon na stress si Chen noong nakaraan buwan. May mga ide-deliver na black pearls sa Bataan pero nagkaaberya sa land transportation, pagdating doon ay puro sira na. Iilan lang ang natira kaya sobrang abala rin talaga nila.
Nagpalinga-linga ako para sana mag-utos na ilipat ang box ng lobster lock dahil hindi ko gusto ang pwesto pero umalis na ang dalawang nagbubuhat kanina. Malakas akong napabuntonghininga saka sinubukan buhatin iyon.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Ficción GeneralTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...