Kabanata 17

46.6K 2K 472
                                    

Kabanata 17:

UMIHIP ang malakas na hangin habang nasa gilid kami ng lawa, hinawakan ko ang aking buhok at sinikop sa isang balikat upang hindi liparin ng hangin.

Sa aking harapan ay pinanuod kong sumayaw ang mga matatayog na puno, sa gilid ng aking mata ay nakita kong inaayos ni Alas ang mga pagkain na dala niya sa lamesang kahoy.

Sobrang tahimik.

Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa ako sa katahimikan ay ngayon ay mas gugustuhin kong nandito na lang ang madaldal na si Samy at Tonyo, ang malakas na tawa ni Kevin at Lisa, ang sermon ni Sascha o hindi kaya'y kahit ingay na lang galing sa kanyang kabayong si Jamall.

Ipinangalan pa talaga ang kabayo sa kanya.

Napailing ako sa aking isip nang maalala ang sinabi niya kanina.

I heard him clearly.

I love you.

Rinig na rinig ko siya at malinaw ang tatlong salitang iyon pero pagkatapos no'n ay nagpanggap akong walang narinig. He didn't ask for a response; instead, he grabbed the leather strips and continued, and we remained silent till now.

At hanggang ngayon ay halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumunok para lang itago ang aking kaba at hiya.

Hiya, dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kanya, kaunting hawak lang ay para na akong nahihipnotismo, na kahit ayoko ay kilala na siya ng katawan ko at ano man oras ay bumibigay ito.

Kaba, dahil unang beses ko 'yon narinig sa kanya ng diretsyo.

He confessed before that he likes me, he wants me. Ilang beses niyang sinabi sa akin na gusto niya ako at muntik pa nga kaming mauwi sa kasal pero kakaiba ngayon, pakiramdam ko ay kahit hindi niya sabihin sa akin ang salitang iyon ng ilang taon ay tatanim pa rin sa isip ko, naririnig ko pa rin hanggang ngayon.

I thought I knew myself, but I'm not that foolish; I know how I feel about him, and it's terrifying.

Natatakot ako dahil ayoko 'tong nararamdaman ko, dapat hindi ganito e. Dapat manatili kami kung nasaan kami hanggang matapos ang pagbabantay niya sa akin.

Pinanatili ko ang blankong mukha nang maramdaman siyang tumabi ng tayo sa akin.

Nakapasok sa kanyang bulsa ang dalawang kamay. Even though we are at a enough distance, I can sense heat emanating from him.

"Do you like here, love?" basag niya sa katahimikan.

Akala ko ay hindi na siya magsasalita dahil kahit magkapanisan kami ng laway ay hindi rin talaga ako magsasalita kung gano'n.

I was breathing hard. "Hm, maganda. Kaninong lupain ito?" I tried to divert my attention, I pretended to look around.

Hindi ako nautal, sa kabila ng kabog ng dibdib ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil kaya ko iyon gawin, dahil kung hindi ay baka tumalon na lang ako sa lawa sa sobrang kahihiyan sa katawan.

Ano kayang iniisip niya ngayon?

"I bought this place years ago."

Ngumisi ako sa kanya. "Sa pagpupulis? Nakakuha ka ng ganitong kalaking lupa?"

Babawiin ko sana ang sinabi ko dahil akala ko ay ma-o-offend siya pero ngumiti lang siya.

"Tama ka, hindi nga. Pamilya ng kaibigan ko ang totoong may-ari ng lupaing ito kaya nakuha ko. Hindi gano'n kalaki ang sweldo ko sa pagpupulis pero dahil hawak ko pa rin ang apelido ng mga Dela Torre ay kahit papaano ay may nakuha akong pera, their beliefs are unusual, and when I say different, I mean it. Hindi basta-basta ang napuntahan kong pamilya. Masama ba ako kung sasabihin kong mas nakahinga ako nang maluwag nang mawala ang ama-amahan ko?" Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon