Kabanata 29:
"Alice?" Napakurap-kurap ako't napalingon kaagad kay Chen nang bigla niya akong tawagin at tapikin sa balikat. Kasama na niya si Lorcan at mukhang tapos na sila sa kanilang pag-uusap, pagkabalik ko ng tingin kung saan may nakita akong kamuka ko ay wala na ito roon.
Ngunit may babaeng nakatayo pa rin doon, hindi ko naman kamuka.
Kinusot ko ang aking mata. Namamalik-mata lang ata ako, sa sobrang pagod ko na ata ay kung ano-ano na ang nakikita ko.
Chendler wrapped his arms around my waist. His chinky eyes are filled with concern. "Ayos ka lang, Hon?"
"A-Ah, oo. Tinitingnan ko lang." Tinuro ko ang fountain bago namin hinarap si Lorcan na nakahalukipkip, naglipat-lipat pa ang tingin sa amin.
Gusto ko tuloy malaman kung anong pinag-usapan nila?
"Gano'n ba? Nga pala, Hon. Nasabi ni Lorcan na nandito na sa Zambales 'yong kaibigan niya kaya bukas ay pwede na siyang magsimula. Hihintayin ko lang siyang dumating tapos ay pwede na akong umalis papuntang Manila," imporma niya sa akin.
Napatango ako, bahagya rin akong nalungkot dahil bukas ay ako lang ang maiiwan dito sa Zambales. Kukunin ang kambal at pati si Chen ay aalis din.
Ang maingay na bahay na tinutuluyan namin ay tatahimik na.
"Thanks," simpleng sabi ko.
Hindi nagsalita si Lorcan, tumango lang siya sa akin saka tinapik ang balikat ni Chen, bahagya pangpinisil.
"Sige, pre. Una na ako, ingat kayo ng asawa mo," malalim ang kanyang boses.
Pinasadahan niya pa kaming dalawa ng tingin bago tumalikod na, nagkatinginan kami ni Chen.
Pinanuod pa namin umalis ang kaibigan niya bago niya tuluyang ibinigay ang buong atensyon sa akin.
"Ano 'yong sinasabi mo kanina?"
Tinuro ko ang lugar kung saan ako may nakita, imposible naman ata iyon. "May nakita akong kamuka ko roon kanina, nakatayo tapos nakatingin sa akin." I chuckled. "Umuwi na nga tayo at mukhang pagod na ata ako, saka maaga pa ang gising natin bukas hindi ba?"
Napanguso si Chen saka hinimas ang ulo ko. "Ikaw talaga. Pagpahinga na nga tayo."
Sabay kaming naglakad pauwi sa tinutuluyan namin, dumaan pa kami sa isang park. Naawa pa ako sa nakita kong batang nahulog sa wheelchair niya.
Nang makarating kami sa bahay ay unang pumasok si Chen sa aming kwarto para maligo. Dumiretsyo naman ako sa kwarto ng kambal upang i-check sila, talagang namimiss ko ang dalawa.
Naabutan kong mahimbing ng natutulog ang kambal ko, parehas yakap ang kanilang mga unan na dinala pa namin galing Palawan.
Maingat akong umupo sa gilid ng kanilang kama. Hinimas ko ang noo ni Atticus na puno ng pawis, kumpara kay Aster ay mas pawisin siya. Si Aster naman ay lamigin kaya kung ano ang kinapawis ng kapatid ay siyang palupot ng kumot sa kanyang katawan.
"I won't get tired of saying thank you. Kung wala kayo ay baka sumuko na ako, baka kung saan na naman ako pulutin," I whispered.
Hindi ko maiwasan tingnan ang maamong mukha ng mga anak ko, mukha ng nagpapasaya sa akin ay galing sa mukha ng lalaking kinakamuhian ko rin. Hinding-hindi maipagkakaila na galing sa kanya ang mga ito, mula sa mata, sa ilong at pati sa labi at kung minsan pakiramdam ko ay pati mga ginagawa nila.
Ang hirap lalo na noong kakapanganak ko pa lang.
Ayoko sa kanila, ayoko rin ituloy noon at binalak kong iwan na lang sila sa mga Tan saka ako magpapakalayo pero naisip kong walang kasalanan ang mga anak ko.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...