Thank you for reading Teach Me Tacenda. This is the last chapter of Alice's story.Special Chapter:
Bitbit ko ang aking bag habang naglalakad papunta sa faculty. Tipid akong ngumiti sa mga batang nagtatakbuhan sa pasilyo, binabati nila ako ay iba ay humihinto pa upang bigyan ako ng daan.
"Ma'am, lalo po kayong gumaganda ah!" bola pa ng isang grupo ng mga binatilyong estudyante.
"Gano'n? Sige, tutal maganda si Ma'am. Pabuhat nitong bag ko at libro," sabi ko.
Nagkantyawan sila, pinag-agawan pa ang mga gamit ko. Habang naglalakad ay patingin-tingin ako sa aking telepono kung may text na galing sa kanya.
"Ma'am Alice, kailan po ang birthday mo para makapag-prepare kami," biro ng isa.
Tumaas ang sulok ng aking labi. "October twenty four."
"Malayo pa po pala."
"Malayo pa nga pero ang mga anak ko ay sa linggo ang birthday," kwento ko nang maalala ang kaarawan ng kambal.
"Ay wow. Ma'am ilan taon na po mga anak niyo? Grabe Ma'am mukha pa kayong bata," pang-uuto pa ng isa.
"Nako Ma'am, gusto lang nyan ng plus ten bukas sa quiz!" segunda ng isa. Nagbiruan sila ng sapak sa braso.
Natawa ako saka sinagot ang kanyang tanong. "Mag-seven na sila."
Madami pa silang tanong hanggang makarating sa faculty. Kaagad kong nakita si Nade sa gilid, abala sa mga papel sa kanyang harapan. Ngumiti siya nang inalok niya ako ng siomai na kinakain niya, umiling ako.
Nade and I became friends, medyo naiirita pa rin ako sa kanila ni Daryl, bagay sila. Parehas nakakainis. Naaalala ko pa noong nakita ko sila sa Police station nang araw na puntahan ko si Rohan sa kulungan. May mga bagay kaming gusto ni pareho ni Nade kaya may pagkakataon pa ngang nagkakasama kami sa cruise ship para bumiyahe.
Travelling became one of my hobbies. Nakaka-relax lalo't may mga nakakasalamuha akong bagong tao.
"Nade, don't forget my sons' birthday this Sunday ha?" I reminded her.
Umupo ako sa aking swivel chair, inayos ang mga gamit, sabi nga nila ay ang lamesa ko raw ang pinaka maayos rito sa faculty.
Mas maganda rin naman gumawa kapag maaliwas ang paligid.
"Ang bilis ng panahon no? Buti pa nga mga anak mo bata pa, sulitin mo 'yan. Yung mga anak ko, kinse na. Nakaka-miss ang kakulitan at ingay sa bahay," natatawang komento niya.
Maagang nagkaanak si Nade at Daryl, kaya nga ngayon thirty five na kami ay halos nagbibinata at dalaga na ang mga anak nila. Hindi ko pa ata kayang makitang gano'n ang mga baby ko.
Napalingon ako sa dulong lamesa, nandoon si Savy at ang asawa niya, naghaharutan na naman. Kailan pa ba ako masasanay? Nang makita ni Savy na nakatingin ako kay kinindatan niya ako.
Bagay talaga sila ni Samy na mag-bestfriend.
༺❀༻
ABALA ako habang nag-aasikaso sa kambal. Hindi naman masyado maraming bisita, mga kaibigan ko lang at ang mga anak nila at ilang kamag-anak. Napangiti ako nang makita si Alyana, Tatay at Nanay sa gilid habang kumakain na, kagabi ay dumating sila at dito na natulog.
"Baks, wala raw bang buko salad?" tanong ni Kevin sa akin, hawak ang kamay ng panganay niyang lalaki, si Kian.
"Meron, nandoon sa may gilid. May ice cream din doon," imporma ko saka ginulo ang buhok ng kanilang anak na halos isang taon lang ang tanda sa anak ko.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Художественная прозаTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...