Kabanata 2

65.6K 3.1K 1.4K
                                    


Kabanata 2:

NAGPAKAWALA ako ng mabigat na buntonghininga bago tuluyan lumabas sa salamin na pintuan ng institution kung saan ako namalagi ng mahigit anim na taon. I didn't look back even though some staff greeted me, their faces were familiar to me but not their name.

Mahina ako sa memorization ng pangalan. Noon nag-aaral pa ako ay mas gusto ko pang ipa-dictate sa akin ang mga pangalan ng bansa, huwag lang pangalan ng mga kaklase ko.

Kahit parehas lang ang hangin sa loob at dito labas ay parang kakaiba, nakakapanibago.

My grip tightened on the strap of my carry-on luggage that filled with my personal things.

Wala akong masyadong gamit sa loob noon at wala rin akong pera kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Dapat akong matakot pero hindi ako nakakaramdam ng takot para sa sarili ko, mas natatakot pa ako para sa iba lalo na sa mga nakapaligid sa akin.

What if my illness appeared? What if I inflict more harm on someone else?

"Alicia!"

Ang maliit na ngiti sa aking labi ay kaagad nawala nang makita ko ang pamilyar na lalaki na susundo sa akin. He was leaning to a black car while waving at me.

Bumagsak ang aking balikat, kung may pamimilian lang ako ay hindi ako sasama sa kanya pero wala akong magagawa dahil kasama ito sa kasunduan ng paglabas ko, may magbabantay sa akin ng ilang buwan.

Siguro dahil delikado akong tao. I'm criminal, I'm crazy. I know.

Mas lalong nalukot ang mukha ko nang mas makalapit sa Pulis ay pinasadahan niya ako ng tingin.

Ginaya ko ang ginawa niya, doon ko napansin ang suot niyang puting shirt at ripped jeans, halos kasing kapareho ng suot ko. He doesn't look like a Police, I also noticed his tattoo on the arm because of the fitted shirt. Can they get a tattoo?

"Alicia, come here!" tawag niya sa akin na may kasamang senyas pa na lumapit ako.

Tamad na naglakad ako papalapit sa kanyang kotse.

Kaagad niyang inabot ang bag na dala ko pero inilayo ko iyon sa kanya bago pa niya makuha.

"Kaya ko, ako na," I refused him and took a step back from him.

Tumango siya saka pinasadahan ulit ako ng tingin.

"Bagay pala sa'yo 'yong binili kong damit, Aliya."

"Alice." Siya pala ang bumili nito?

"Huh?"

"Alice ang pangalan ko hindi Alicia, hindi Aliya," walang buhay na sabi ko, kinagat niya ang ibabang labi animong natatawa siya sa sinabi ko.

Imbes na tumitig sa panget niyang mukha ay binuksan ko na ang pintuan ng kotse niya sa likod.

Kaagad niyang hinarang ang kanyang kamay nang akmang papasok ako, sinenyas niya ang upuan sa harap na tabi ng driver. "Sa harap ka, Madam Alice. Hindi mo naman ako driver para riyan ka sa likod umupo."

I smirked after seconds of staring at his red, wet lips. "Bakit ano ba kita? Ano bang tawag sa nagdi-drive? Walker? Dancer? Singer?"

Binuksan niya ang pintuan sa harapan at binalewala ang aking tanong.

"Husband," mabilis na sagot niya.

Naningkit ang aking mata, babarahin ko sana siya pero tinawag siya ng isang binatilyong Pulis na galing sa loob ng institutions.

"Sir, naayos na po 'yong inutos niyo," narinig kong sabi ng lalaki nang tuluyan makalapit sa amin.

Kaagad siyang hinawakan ni Officer Alas sa braso at hinila palayo, pumasok na ako sa loob ng kotse habang hindi inaalis ang tingin sa kanila sa labas.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon