Kabanata 26

41.8K 2.2K 842
                                    

Kabanata 26:


"Aiming the gun, stand proper, keep your finger to the trigger guard, focus to the target and shoot," I whispered then pulled the trigger of my handgun. Tatlong putok ang aking ginawa at nang sipatin ko ang target na human board sa kabilang dulo ay butas ang ulo no'n ng tatlong beses sa may gawing noo.

Hindi ko mapigilan tumaas ang sulok ng aking labi. Not bad huh?

Pumalakpak ang lalaki sa aking gilid. Inilapag ko ang baril sa lamesa saka inalis ang earphone sa aking tainga bago siya nilingon.

"Ang galing niyo na po, Madam!" masiglang sabi ni Dan, ang nagtuturo at nagbabantay sa akin para sa araw na ito.

Nakaupo siya sa isang puno na nakatumba, may hawak siyang mahabang baril. Mukhang tapos na rin siyang mag-practice shooting para ngayon araw.

"Nasa bahay na ba sila?" tanong ko sabay ayos ng suot kong boots.

Tiningnan ko ang aking cellphone kung may text siya pero nakapatay na ang phone ko, siguradong nag-aalala na 'yon.

"Baka dumating na ho sila niyan, Madam. Ang huli kasing sabi sa akin ay nasa Coron na sila, pababa na." Napatango ako sa kanyang sinabi, nagsimula siyang ligpitin ang mga ginamit namin.

Naupo ako sa kinauupuan niya kanina saka inilibot ang paningin sa malawak na bukidin kung nasaan kami, sakop pa rin ng hacienda. Sa kalayuan ay tanaw ko ang mga manggagawa na nagha-harvest ng mais.

Nang matapos si Dan ligpitin ang mga ginamit namin ay pareho namin tinahak ang pilapil papunta sa mga puno upang kuhanin ang kabayo na ginamit namin.

Nilingon ako ni Dan, mukhang kabado pa pero walang kahirap-hirap akong umangkas sa kabayo. Gumalaw iyon kaunti kaya hinimas ko ang kanyang likod.

"Tara na ho, baka bumuhos na ang ulan," imporma niya nang makasakay sa kabayong itim.

Sabay namin pinatakbo ang kabayo, nadaanan namin ang ilang manggagawa na nagmamadali na rin upang makauwi.

"Magandang hapon po, Ma'am Alice." Naririnig kong bati nila tuwing nakikita ako.

Hindi ako bumati pabalik, pinanatili ko ang blanko kong mukha. Bibilisan ko na sana ang pagpapatakbo ng kabayo nang may batang nagtatakbo papunta sa kabila, narinig ko ang sigaw ni Dan, nawala sa balanse ang kabayo kaya muntik pa kaming matumba.

Lumapit ang ilang trabahador, lumapit ang bata sa isang babae.

Gumalaw ang aking panga, bumaba si Dan sa kanyang kabayo upang sipatin ang sa akin.

"S-Sorry po, Mam. H-Hindi ko po alam na tatakbo 'yong anak ko po," sabi ng babae habang karga ang bata. Sa tingin ko'y nasa bente pataas pa lang siya.

"Playground ba 'to? Hindi ba lugar ng pagtatrabaho ito, bakit nandito ang batang iyan?" tanong ko saka nilingon ang bata na nagtago kaagad sa likod ng kanyang ina.

"Mam, wala po kasing magbabantay sa kanya sa bahay," ramdam ko ang nginig sa kanyang bosed, nakatingala sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa leather straps ng aking kabayo, tiningnan ko ulit ang bata, madungis.

"Kung gano'n manatili ka na lang sa bahay niyo." Walang buhay na sabi ko.

"P-Po?"

"You're fired." Narinig ko ang bulungan ng ibang trabahador sa paligid pero hindi ko na binigyan ng atensyon pa.

Akmang aalis na ako nang humarang babae. Kaagad siyang pinigilan ni Dan.

"M-Mam, huwag naman po. Wala pong ibang nagtatrabaho sa pamilya ko. 'Yong anak ko po bata pa, w-wala pong ibang magbabantay sa kanya sa bahay parang awa niyo na po, Mam! Bata pa po ako, w-wala pong-"

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon