Kabanata 21

47.1K 2.1K 654
                                    


Kabanata 21:

Malamig na hangin ang yumakap sa aking mukha habang tinatanaw ko ang pagsayaw ng alon sa bangka na aking sinasakyan. Inipon ko sa aking kanan balikat ang aking buhok na hanggang beywang upang hindi sumabog sa lakas ng hangin.

Hindi pa rin ako makapaniwalang anumang oras ay tatapak na ako sa Casa Nueva, isang resort dito sa Palawan.

Hindi ko tuloy maiwasan maalala ang nangyari noong nakaraan araw.

Alastair Jamall proposed to me infront of their house, and I actually said yes. Nang gabing iyon ay hindi kami natulog, wala akong naramdaman pagod kahit sobrang daming nangyari buong araw.

We had a great night conversation, napag-usapan namin 'yong tungkol sa akin, noong bata ako. He shared memories about his biological parents, isang private driver daw ang kanyang ama at guro ang ina.

Kinabukasan noon ay sinamahan ko siya sa station, wala naman masyadong naging probelma dahil sinabing ginawa lang nila ang trabaho nila't aksidente ang nangyari pero binigyan siya ng dalawang linggong leave. Pinuntahan din naman ang inampon niyang pinsan niya, akala ko ay mga bata pa kaya nagulat ako nang makitang dalaga na, may anak na nga.

Nang humapon ay pumunta naman kami sa puntod ni Mommy at Daddy, kasama na rin ang kay Ate Aryan.

Hindi ko alam kung anong sinabi niya sa kanila dahil hiniling niyang iwan ko siya saglit kaya may pinuntahan na lang din ako, isang importanteng bagay.

Pakiramdam ko'y pinagpaalam niya ang gagawin namin desisyon.

And the next day, August twenty seven. I married Alastair Jamall Dela Torre.

Simple lang. Ako, si Samy, Tonyo at Beno lang ang nandoon. It wasn't a formal wedding; it was more of an arrangement between us. A marriage by common law.

Napag-usapan na gano'n muna, na agreement muna at kapag maayos na ang lahat saka namin gagawin pormal at legal. Desisyon ko rin naman 'yon at pumayag siya, wala siyang choice.

Napangisi ako nang maramdaman may matikas na brasong yumakap sa aking beywang, hindi na akong nag-aksayang lumingon pa dahil isa lang naman ang surot ko.

I can smell his familiar perfume.

"Narito na po tayo, Ma'am, Sir!" deklara ng bangkero kung saan kami nakasakay.

Tinuro niya ang malawak na lupain kung saan kami patungo. Malayo pa lang ay alam kong buhay na buhay ang gilid ng dagat. Tanaw ang malawak na puti at pinong buhangin at sa bandang dulo ay mga puno ng niyog.

Ang mga tao na nasa gilid ng dagat ay unti-unti nang lumaki sa akin paningin, suminghap ako at bahagyang inayos ang hinahangin ko ng damit.

Nilingon ko ang ilan pang bangka na kasabay namin dadaong sa isla. I scanned the next boat where my friend, Kevin sitting peacefully. Alam ko kung gaano kabigat ang pinagdaanan niya, alam ko.

"Everything will be okay," Alas whispered to me.

Tumango ako, sana nga.

May iba pa kaming kasama sa bangka na katulad ko na under therapy pa. Na mga nagsisimula ulit mamuhay nang normal, hindi ko tuloy maiwasan matuwa dahil alam kong pagbalik namin sa Pampanga ay malaya na ako, pwedeng-pwede ko ng bisitahin ang mga kaibigan ko, humanap ng trabahong gusto ko.

Nawala ang pag-iisip ko nang hulihin ni Alas ang kamay ko kung nasaan ang singsing na ibinigay niya.

Now, that I noticed my ring, wala siyang singsing . . . dapat pala ay mayroon din siya.

Hinimas ko ang daliri niya, hindi kagaya noon na bakas pa ang ring marks niya ngayon ay nawawala na iyon.

Siguro ay may singsing siya rati? Pwede naman 'yon, kahit noong nag-aaral ako ay may singsing din akong suot.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon