Kabanata 13

48.5K 2.3K 694
                                    

Kabanata 13:


Before, I hate people for asking things about myself, my past and my plans. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayokong makipag-usap sa ibang tao, sa mga bagong kakilala. Bagong tanungan na naman, paulit-ulit kaya kung minsan ay mas pinipili ko na lang na huwag makipagkilala.

Pero ngayon na halos dalawang buwan na ako rito sa labas ay nasasanay na rin ako, lalo na sa trabahong pinasukan ko.

Kailangan kong makipagsalamuha, kailangan makisama, na kahit ano pa lang sabi kong kaya ko naman mag-isa ay hindi pa rin pwede.

Dadating pa rin 'yong panahon na kailangan kong gawin 'yong mga bagay na ayoko.

"Oh, si Ateng Alice ang sasahod ngayon no?" Samy announced.

Isang hapon habang binibilang niya ang pera na hulugan namin katulad ng usapan noong unang linggo ko pa lang.

Unang sumahod si Tonyo noong nakaraan buwan at ako naman ngayon.

"Baka naman manlibre ka pa ng milktea ha, Alice," Tonyo teased while moving his brows.

Ibinaba ni Tonyo ang dalang box at inilagay sa gilid, naningkit ang aking mata dahil basta na lang niya iyon sinalpak doon, bagay na ayoko.

Mukhang nakita niya ang naging reaksyon ko kaya nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko bago natatawang ayusin ang box.

Sa mahigit dalawang buwan ko na kasama sila ay mas nakabisado na nila ako at gano'n din naman ako sa kanila. Noong una ay mahirap dahil hindi nga ako talaga sanay makisalamuha, hindi ko alam kung paano babati kapag may kostumer at isa pa ay hindi 'to ang inaasahan kong trabaho ko pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.

Jewelries are similar to humans, the more attractive you are, the more attention you will receive.

Sinong mag-aakalang ang dalawang 'to ay makakatagal sa ugali ko bukod sa isang taong kilala ko?

"Sows, Tonyo. Huwag mo ngang sulsulan si Ate Alice. Ikaw nga ang kuripot mo e, noong sumahod ka bigla ka na lang nawala." Humarap siya sa akin saka ngumiti. "Mabuti pa ay gamitin mo 'yang pera mo para bumili ng para sa sarili mo, Ate. Oh kaya naman kumain ka sa mamahalin restaurant ganern!" bakas ang tuwa sa kanyang boses, parang mas excited pa siya sa makukuha kong pera.

Marahan akong tumango sa sinabi niya.

I already made plans in my head. I want to paint or draw so I plan to buy materials.

Sa sobrang tagal kong naglagi sa loob ng institution ay pakiramdam ko ay ngayon ko pa lang nadidiskubre ang mga bagay na hilig ko at magiging hilig ko.

Nakakatawa lang dahil parang huling-huli na ako para roon. I'm twenty-seven years old but have no life experience.

Naging abala si Samy sa tawag galing sa kanyang ama, bumalik ako sa columnar na aking ginagawa para sa mga resibo.

Wala pang minuto ay lumapit si Tonyo sa akin, sigurado akong mang-aasar na naman.

Dumungaw siya sa aking ginagawa, naghila pa siya ng upuan at naupo sa aking harapan.

Nilipat ko ang resibo saka kinuha ang invoice number, sa gilid ng aking mata ay alam kong nakatitig siya habang nakapalumbaba.

"Huwag kang masyadong tumitig, Tonyo. Baka ma-child abuse ako nyan," I stated.

Madrama siyang suminghap. "Grabe ka naman maka-child abuse, ilang taon lang naman ang tanda mo sa akin."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang pisngi niya ay humpak na humpak pa rin dahil sa kapyatan, lahi raw nila ang payat.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon