Kabanata 4

53K 2.6K 782
                                    

Kabanata 4:

Tahimik ako habang nasa sasakyan, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nang matapos ang tawag niya kanina ay sakto naman na tapos na rin ako magpalit ng damit, jeans at simpleng shirt lang.

Hindi naman na ako nagtanong pa kung sino ang kausap niya, maybe that was his boyfriend huh?

Inabala ko ang aking atensyon sa mga nadadanan naming gusali, ilang minuto ang naging biyahe namin bago kami huminto sa isang sikat na fastfood restaurant na matagal ko ng hindi natitikman, dumeretsyo kami sa drive thru.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa braso niyang may tattoo nang kabigin niya ang manibela.

What's the meaning of that tattoo?

"Good evening! Thanks for choosing us, what can I get for you today?" narinig kong masiglang sabi ng babaeng crew.

Officer Alas rested his left elbow to the window of his car, he cleared his throat. "Hey, good evening! Can we have four spicy chicken, two burger steak, one large fries? And uh, for drinks, we want one large choco caramel and pineapple juice." Napalabi ako habang sinasabi niya ang mga order, matigas ang kanyang salita.

Siguro naman ay kasama na ako, ang dami no'n. Huwag niyang sabihin sa kanya lang iyon?

Inulit ng babae ang sinabi niya saka tinanong kung mayroon pang idadagdag.

Nag-iwas tingin ako, nahiya ako bigla dahil wala naman akong pera pero gusto ko ng spaghetti, I craved for the taste of it in my mouth.

"What else do you want, Love?" tanong ni Officer Alas sabay lagay ng palad niya sa tuhod ko, animong sanay na siyang gawin iyon.

Kaagad akong bumaling sa kanya sa gulat, inosente siyang lumingon sa akin.

Nang makita ang gulat sa aking mata ay parang doon niya lang naisip ang ginawa niya.

"Fuck," mura niya sabay alis ng kamay animong napaso siya.

"Okay Sir, one fuck. Large or medium—wait! W-What Sir?!" narinig kong lutang na sabi ng crew sa drive thru, narinig ko pa ang bulungan sa loob.

Kumurap-kurap si Officer bago bumaling sa kausap. "Sorry. W-Wala na, 'yon lang."

Pinaandar niya ang sasakyan, kumunot ang aking noo. Bakit niya iyon ginawa? Simpleng hawak lang iyon para sa iba pero sa akin hindi.

"That was harrassment, and I hope you are aware of it." I said flatly, hiding my trembling hands.

Hindi siya nagsalita, nakita kong gumalaw ang kanyang panga.

Hanggang makalabas kami sa drive thru ay naging tahimik siya, lumingon na ako sa labas at pamilyar ang daan sa akin, malapit sa University ko noon.

Akala ko ay hindi pa rin siya kikibo pero malakas siyang bumuntonghininga.

"Sorry, I was carried away," blanko ang kanyang boses, wala akong mabasa na pagsisi o ano mang emosyon doon.

Bahagya akong natawa. Seriously?

"Nadala saan?"

Hindi ko alam kung saan siya nadadala, kakakilala lang namin. Kahit hindi siya attracted sa same gender niya katulad ko ay hindi pa rin ako sanay, this is my personal space.

Hindi siya nagsalita, kinagat niya ang ibabang labi habang deretsyo ang tingin sa kalsada.

Nagkibit-balikat ako. "Nevermind, huwag mo na lang akong hahawakan ng gano'n sa susunod, Officer. You already know what I'm capable of," paalala ko sa kanya.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon