Kabanata 30:
Takot.
Iyon ang kaagad kong naramdaman nang makita si Alas sa aming sala. This isn't my hallucination; he's right here, sitting and staring at me. A muscle in his jaw twitched. His gaze was so intense, his expression unreadable.
Ang daming tanong sa aking isip. Bakit siya nandito? Paano niya ako nahanap? Sasaktan niya ba ulit ako? Kilala niya si Chen? Plinano ba niya 'to? Nalaman niyang buhay ako kaya siya nandito?
For a little moment, my thoughts went blurry. Ang daming tumatakbo sa aking isip pero wala ni isa roon ang naisa-tinig ko. Parang nagbara lang ang mga tanong na 'yon at napalitan ng galit at disgusto.
I calmed myself and removed my gaze to him like I didn't know him. I smiled sweetly to Lorcan.
"Pasensya na, Lorcan. Sinusulit ko lang habang nandito ang asawa ko," mahinahong sabi ko, gusto ko ng palakpakan ang aking sarili dahil sa kabila ng pagwewelga sa loob ng dibdib ko ay naging kalmado pa ang boses ko.
Umalis ako sa pagkakaupo sa armrest ng couch.
I didn't mind my night dress, revealing most of my skin. Specially the scars of gunshot to my arm.
"Mahihirapan niyan akong umalis."
Humalakhak si Chendler saka tumayo rin, ipinirmi niya ang kamay sa aking beywang. "And, by the way, Hon. This is Alastair. He's the bodyguard I mentioned to you," sabi niya sabay turo kay Alas.Taas-noo kong sinalubong ang kanyang tingin. His dark hair was messy, falling over his forehead. He doesn't seem surprised, but I notice something in his eyes, as if he's glad to see me in front of him.
Malakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba ngunit pinanatili kong kalmado ang aking mukha.
Gusto ko sanang sabihin kay Chen na siya 'yong lalaking ama ng kambal, na siya 'yong lalaking gustong pumatay sa akin, na hindi ba niya nahahalata sa mukha na kamuka ng mga bata pero ayokong mahati ang atensyon niya lalo't kailangan niyang umalis, may importante siyang gagawin at ayokong masira iyon dahil sa akin.
Tipid lang akong ngumiti kay Chen, tumutunog na ang kanyang telepono kaya hinatid ko na siya labas.
Naging alisto ako sa aming paligid.
Pakiramdam ko ay tulala ako habang nagpapaalam siya. Sumunod din sa amin sa labas si Lorcan at Alas, hindi ako makapaniwalang magkakilala sila.
Ganito ata ako kapaborito ng mundo dahil grabe kung paglaruan ako.
Chen caressed and kissed my lips, I let him. Hindi mababaw at malalim, mas matagal kumpara noon. Napapikit ako dahil sa halik niya, nang idilat ko ang aking mata ay nagtama ang mata namin ni Alas. I smirked and grabbed Chen's jaw, sa pagkakataong ito ay ako ang humalik sa kanya. Napahawak siya sa aking beywang dahil sa aking ginawa.
Kitang-kita ko kung paano nag-iwas ng tingin si Alas.
Nang maghiwalay ang aming labi ay ngiting-ngiti si Chen sa akin saka mahigpit niya akong niyakap. May binubulong siya pero hindi ko masyadong maintindihan.
"Let go of me, Chen," komento ko nang mapansin ayaw niya pa rin bumitaw ng yakap sa akin.
He groaned. "I can't, Hon." Pinitik ko siya sa noo.
Lalo siyang matatagalan sa kakaarte niya. Pasalamat na lang ako at napilit ko na siyang umalis kasama si Lorcan. Nang tuluyan mawala sa paningin ko ang sasakyan niya ay hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat o matakot.
Naiwan ako kasama ang lalaking ni sa panaginip ay ayoko ng makita.
Nang humarap ako sa bahay ay nandoon pa rin sa gate si Alas, deretsyo ang kanyang tayo habang nakasuot ng itim na fitted shirt at jeans.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Genel KurguTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...