Warning: Slight. 🔞Kabanata 19:
HINDI ko alam kung gaano kami katagal sa gano'n posisyon, nanatili akong yakap ang basa niyang katawan habang tahimik siyang umiiyak sa aking balikat. I used to see Alas as a happy-go-lucky, pervert and clingy guy. Ang makita siyang nanghihina ay nakakapanibago at nakakasakit isipin, matagal niya itong tinatago at sinasarili.
Hindi kagaya ko na kahit papaano ay may nalalabasan ng problema. I can talk to my Doctor, I have meds too!
Malakas akong nagpakawala ng buntonghininga nang maramdaman unti-unti na siyang kumalma. Tumigil na ang kanyang pag-iyak ngunit mas humigpit naman ang yakap sa akin animong ayaw ayokong pakawalan.
Hindi ako nagtanong pero dahil sa kinuwento ni Beno at nadatnan ko kanina ay alam ko na ang buong nangyari.
Alam kong magkaiba kami ng sitwasyon, dahil sa kanya ay ginawa niya ang trabaho niya. May mga nadamay, pero ang sa akin noon ay desisyon ko iyon.
I killed my Ate Aryan, emotional and physical. I pushed her to her limit. Kasalanan ko na talaga 'yon at may choice ako, siya ay wala.
"Kaya mo na bang tumayo? You should change your clothes, matagal ka ng basa, magkakasakit ka," bulong ko sa kanya.
Hindi ko sigurado kung malinaw niyang narinig iyon pero tumango siya.
Dahan-dahan ko siyang pinakawalan sa aking bisig, tahimik siyang tumayo. Hinawakan ko ng kanyang braso upang alalayan. Wala na ang maloko niyang ngisi tuwing inaasar ako, ang Alas na nasa harapan ko ay parang ibang tao.
Nakakapanlata palang makita 'yong taong palaging malakas sa paningin mo na nanghihina.
I pulled him to the side, near the bathroom door.
Mabilis kong inabot ang malinis niyang tuwalya na nakatupi sa gilid, tumingkayad ako upang punasan ang kanyang basang buhok at mukha.
Nagtama ang aming mata, nanginginig ang aking kamay na pilit tinuyo ang tumutulong tubig galing sa kanyang buhok na tumutuloy sa kanyang hubad na dibdib.
Ngayon sobrang lapit namin ay roon ko mas natitigan ang kanyang mga tattoo, may ilang salita at numero pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang letrang A sa kanyang magkabilang balikat. Maybe because of his name?
He let me do what I was doing, and I was astonished when he put both hands on my waist.
"Basa ka na rin, magbihis ka na rin," he said in low voice, he managed to smile at me.
Napabuntonghininga ako.
Tinanggal ko ang aking suot na shirt at pants sa mismong harapan niya, hindi niya inalis ang tingin sa aking mukha.
Kinuha ko ang bakanteng puting roba at sinuot sa akin, ang isang itim na roba na naka-hanger at madalas kong makitang gamit niya ay isinuot ko sa kanya.
"Remove your pants and boxer, mababasa 'yong sahig ng kwarto mo. Tamad ako magpunas." Isinampay ko naman ang tuwalya sa kanyang balikat, nauna akong lumabas ng kanyang banyo.
Hindi ako pamilyar sa walk-in closet niya dahil unang beses ko lang naman nakapasok doon pero dahil maayos ang pagkakasalansan ng mga damit ay kaagad kong nakita ang kanyang mga pambahay na damit.
Habang hinihintay ko siya ay inayos ko na ang susuotin niya sa ibabaw ng kanyang kama.
I prepared a plain white shirt and a sweater short. Kinuha ko siya ng underwear pero hindi ko sigurado kung susuotin niya iyon.
Nang makalabas siya sa banyo ay tanging roba na lang ang kanyang suot. His robe was slightly open on the chest, allowing me to easily inspect his tattooed chest. He also has very little hair in that area.
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Narrativa generaleTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...