Kabanata 33:
Walang nagsalita sa amin ni Chen nang biyahe namin pauwi. Hindi ko makalimutan ang itsura niya kanina nang madatnan kami, ilahad niya lang ang kamay sa akin para umuwi na kami at sumama ako kahit ayaw kong iwan sa gano'n sitwasyon si Alas.
At ngayon nasa loob na kami ng aming kwarto ay nanatili siyang tahimik, kinabahan ako sa kung ano ang mga narinig niya.
Hindi na ako magtataka kung paano niya kami nahanap, sinabi ba sa kanya ni Alas o baka naman ni Lorcan.
Pinapakiramdaman ko si Chendler habang naghuhubad siya nang sapatos at nakaupo sa aming kama.
Dahil nakatalikod sa akin ay kitang-kita ko ang kanyang hubad na likuran.
Malakas akong bumuntonghininga saka gumapang sa kama papalapit sa kanya at lumuhod sa kanyang likuran. Naramdaman kong natigilan siya nang dampian ko ng halik ang kanyang likod.
"I'm sorry." I whispered.
"Gutom ka na ba?" he tried to change the topic.
He sighed heavily as I kissed his shoulder. "I'm sorry for not informing you about Alastair. I was terrified. Naisip kong may dapat kang gawin sa Manila kaya naman—"
"Mas may importante pa ba sa'yo? Alam mong kayang iwan 'yang lahat, Alice. We promised that we won't keep a secret, right?" mahinang sabi niya.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Namutawi ang katahimikan sa amin, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hanggang ngayon ay laman pa rin no'n ang mga sinabi ni Alas.
"Nagdadalawang-isip ka na ba?"
Natigilan ako sa tanong ni Chen. Mahina ngunit bakas ang kaseryosohan sa kanyang boses. Nagdadalawang-isip?
"Chen..."
"It's okay, you can tell me Alice. Sabihin mo nagdadalawang-isip ka na ba sa amin ngayong alam mo na 'yong dahilan niya? May pagdududa na ba sa nararamdaman mo? May kompentensya ba? Sabihin mo para maging handa ako."
Umawang aking labi sa sinabi niya, hindi ako makapagsalita dahil sa sarili ko ay hindi ko rin alam. Hindi ko alam.
Ipinahinga ni Chen ang kanyang siko sa magkabilang tuhod saka sinapo ang noo.
"Maiintindihan ko kung dumating ang araw na . . . araw na sabihin mo sa aking pakawalan na kita. Iintindihin ko kung sasabihin mong kailangan ng mga anak mo ang tunay na ama nila." Mahigpit ko siyang niyakap mula sa likod.
"Tama na," tigil ko sa kanya.
"I'll understand just don't cheat on me. Tell me so I'll ready myself. So I can say goodbye." Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya.
Mas lalo akong nasaktan nang binaklas niya ang kamay sa aking sa kanyang beywang. Nilingon niya ako, mas lalo akong nadurog nang makita ang ngiti sa kanyang labi.
"D-Don't say that, Chen."
Hindi siya nagsalita, hinimas niya ang aking pisngi. "Nag-alala ako sa'yo. Umuwi kaagad ako nang mabalitaan kong may papadating na bagyo. I know you hate thunderstorm." Nag-iwas siya ng tingin. "Kailangan mong masanay na wala ako para sa susunod na umuulan at—"
"Anong ibig mong sabihin ha, Chen?"
"Nothing," mahinang sabi niya saka ako hinalikan sa noo. "I love you."
Mariin akong napapikit, hindi ko siya sinagot. Hindi ko alam kung masasabi ko ba ulit sa kanya ang salitang 'yon
Tama ba siya? Nagdadalawang-isip na ako?
BINABASA MO ANG
Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
General FictionTEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass judgment on someone without knowing the whole story. That's her life, she used to it. She began to re...