Kabanata 2

65 8 0
                                    

[Kabanata 2]

Bright Sandoval

Minsan napapaisip ako. Pano kaya kung mag college na kami ni Ken? Best friends parin ba kami? Magagawa parin ba namin ang mga usual naming ginagawa magkasama?

Señor High School students na kami at one year nalang ay ga-graduate na kami. At mag kakanya kanya na kami ng tatahaking kurso sa kolehiyo. Minsan na din naming napag-usapang dalawa kung anong kukuning course sa college at nalaman kong gusto ni Ken kunin ang criminology pero mag-iiba sya ng kurso dahil Education ang gusto ng mama nya. Lahat ng gusto ng mama nya mapa desisiyon man o sa ano mang bagay sinusunod niya kahit malayo ang mama niya dahil nasa abroad ito. Ang lola nya lang ang kasakasama niya sa bahay nila dahil maaga silang iniwan ng papa nya para sa kerida nito.

Napakabait ng lola ni Ken na si Lola Maring at kahit high school na sya ay alagang alaga sya nito at tinuturing pang parang baby na ayaw na ayaw naman ni Ken na gawin pa ito ng lola nya dahil malaki na sya at kaya nya na ang lahat. Gusto kong humalakhak sa pagtawa sa tuwing nadadatnan kong si lola Maring pa ang nag lalagay ng maraming polbos sa mukha nya,nag susuklay ng buhok at nag lalagay ng panyo sa likod para di raw matuyuan ng pawis sa likod si Ken. Isang nakakamatay na tingin at napakalalim na buntong hininga naman ang ibinigay sakin ni Ken kapag nahuli nya akong nag pipigil sa pagtawa sa gilid habang hinihintay na makaalis sya sa pag baby sitting ng Lola nya.

Late man kaming nakarating sa second subject namin sa Earth and Life Sciences pero pumasok parin kami. Ganyan kami kabait na studyante dahil ang iba'y kapag nalalate ay 'di na pumapasok sa school kundi dumidiretso na sa computer shop.

Uwiian na at dating gawi na naman kami,hindi kami diretsong umuuwi ng bahay kundi mag lalakwatsa muna kami sa kabilang bayan sa San Diego.Kakain ng ice pop,bibili ng tig iisang plastic bottle ng bubbles,iikot ikot sa park at dadaanan ang mga nagtitinda ng street foods sa bayan.

"Oh,ano yan?"nakataas ang kilay na tanong ko kay Ken ng bigyan nya ako ng Brown at square shape na parang chocolate.Walang emosyon ang mukha nya ng ibinigay nya 'yun.Di ko parin kinuhuha ang mukhang chocolate na 'yun sa kamay nya bagay na umangal sya dahil nangalay sa pag abot ng pagkaing 'yun na tinitigan ko lang naman.Nasa isang kalye kami malapit sa nag titinda ng ihaw-ihaw.

"So,anong plano mo, dude.Titigan mo lang 'yan buong mag damag?"angal nya.

"Sorry naman!chinek ko lang baka may lason"

"Walang lason yan,gago,kunin mo na kasi nangangalay na 'ko!"kinuha ko na ang chocolate sa kamay nya baka magalit pa sya at itapon pa 'yun sa mukha ko.

"Chocolate ba talga 'to ,Ken?bat di 'to nakabalot?"pag iinspeksyon ko sa square na pagkaing iyon sa kamay ko.

"Oo,binalatan ko na para sayo,eat it beb"pabiro nyang sabi.

Nginiwian ko lang sya at isinubo lahat ng chocolate sa bunganga ko.Laking gulat ko ng malasahan ang chocolate kuno sa bibig ko at iniluwa ito ng may pandidiri. T*ngna! Humagalpak ng tawa si Ken habang hawak hawak nito ang tyan sa kakatawa ng makita nya reaction ko.Sumisingkit ang mga mata nya kapag tumatawa at lumalabas ang dimple nya sa kabilang pisngi.

"Hahaha!...ehem...it's a prank.."sabi niya at pilit pinipigilan ang tawa dahil nilisikan ko siya ng mata.

"Letche ka Ken!ano bang pinakain mo sakin?!"

"D-Dugo... actually binili ko yan doon"sabi nya sabay turo sa bandang likuran namin na may nagtitinda ng ihaw-ihaw,laking gulat ko ng makita ang mga inihaw na dugo ng ale at isinasawsaw pa sa sauce.Sa lahat ng street foods ang pinakaayaw kong kainin ay ang dugo ng manok!Naduwal ako sa lasa ng dugo kaya inis na hinablot ang hawak hawak niyang plastic bottle na may lamang tubig at inisang lagok.

"Hoy!ininuman ko na 'yan!"

"Wala akong pake,..ano? happy?masaya kana kasi na prank mo na ako?"

"Oy..joke lang 'yun!parang di kanaman nasanay"

"Sanay ako sa prank mo,Ken.Pero wag namang ganito!Alam mong ayaw ko sa dugo!"

"Eh... sorry na....di ko naman naisip na magagalit ka ng ganyan"

"Sorry sorry....bahalaka dyan"at iniwan sya don at dumeretso sa nilagyan namin ng bike namin kanina tsaka mabilis na pumadyak sa bike.'Di paman ako nakaka alis ay meron akong nabanggang lalaki,tumalsik ang hawak hawak nitong milk tea at napahiga sa maalikabok at maruming kalsada.Naka school uniform din ito.Medyo may kataasan,at may kaputian ito,dagdagan pa ng singit nitong mga mata na tinatamaan ng ilang hibla ng charcoal black hair color nito .Undeniably he was gorgeous,that he can manage to charm every single girl without trying.

Baba na sana ako para tulangan sya pero naunahan na ako ng mga barkada nitong nag si-sulputan upang tulongan Ito sa pagkakahiga.

"Napakatanga mo naman,bro!"asik ng matabang lalaki na mukhang si Jollibee sa katabaan.Napaatras nalang ako ng akmang susugurin nya na ako at akmang sasapakin ngunit di nya natuloy dahil may kamay na humawak sa pulso nya upang pigilan ang kamay nya na ready nang lumanding sa mukha ko.It's Ken,kalmado ang mukha niya na parang hindi sya apektado sa namamagitang tensyon sa 'min.Biglang tumawa ang matabang lalaki at akmang ihahampas nito Kay Ken ang hawak na bottled water ngunit nahablot agad Ito ni Ken at isinapak sa mukha nito dahilan ng pag dugo ng ilong nito.Agad rumesponde ang apat na pang kasama nito at iniwan ang lalaking nabangga ko na nagpagpag sa pulo shirt niyang nadumihan kanina,mukhang Wala itong paki Alam sa nangyayari.

Alam ni Ken na hindi namin sila kaya,kaya mabilis na hinblot ni Ken ang kamay ko at mabilis natumakbo palayo,agad namang sumunod ang limang lalaki na galit na galit . Napatingin ang mga tao samin at agad na umiiwas sa tuwing dadaan n kami.Napatingin naman ako say kamay naming mahigpit na magkahawak habang tumatakbo habang hilahila ako ni Ken patungo sa kinaroroonan ng bike nya.

Dugdug...dugdug...dugdug...Ang bilis ng tibok ng puso ko

"V!sakay na bilis!"sigaw nya sakin para bumalik ako sa ulirat ng makarating kami sa isang kanto na pinag iwanan nya ng bike.

"Ano?!saan naman ako sasakay?!eh walang upuan sa likod Ang bike mo!"

"P*cha!sa unahan ka!"sigaw nya at agad na sumakay say bike nya

"A-ano?!"gulat kong sabi ngunit hinablot nya na ako at pina upo sa unhan ng makita naming nakapang bisekleta narin ang mg lalaking humhabol samin at papunta na sa direction namin.

*************

At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon